Umiinit ang aksiyon sa PBA Semis
June 27, 2006 | 12:00am
Painit nang painit ang kasalukuyang Gran Matador-PBA Philippine Cup semifinals. Sa sobrang init nga nag-walk out pa ang Red Bull sa Game 4 ng kanilang serye ng San Miguel.
Hindi ko napanood ito noong Linggo ng gabi pero ikuwento naman ng anak kong si LJ na nagwalk-out nga ang Bulls sa isang bahagi ng second quarter kung saan akala ko nagbibiro lang ito.
Napag-alaman ko na dismayado si coach Yeng Guiao sa tawag ng reperi. But then, bumalik din sila sa playing court.
Tumabla na ang Beermen sa kanilang serye sa 2-2 at back to zero ang kanilang series.
Sa kabilang dako naman, angat na ang Alaska sa kanilang serye, 3-1 laban sa Purefoods. May nagbiro nga na baka Red Bull vs Alaska pa ang finals sa tinatakbo ng laban.
Nauna ang San Miguel at Purefoods sa semis habang dumaan sa butas ng karayom ang Bulls at Aces bago naabot ito.
Ganyan talaga ang basketball. Bilog kasi ang bola.
Dumating na si Oscar Larios, ang Mexican boxer na may tapang humarap kay Pinoy ring icon Manny Pacquiao.
Nakatakda ang pinanabikang bugbugan ng dalawa sa July 2 sa Araneta Coliseum.
So wait na lang tayo sa resulta sa Linggo.
Kahapon isinagawa ang unang public viewing workout nina Pacquiao at Larios sa loob ng Big Dome.
Public viewing po ito pero may bayad na P500 ang pinakamataas at P50 naman ang pinakamura para sa mga taong gustong makita ang dalawang boksingero.
Mahal palang makita ang boksingero kahit praktis lang.
Kaya naman hindi kataka-takang mahal din ang tiket para sa aktuwal na laban.
Personal: Happy birthday sa kaibigang Junep Ocampo (July 2), sa aking bayaw Ernie Balisi (July 5) at kay Angie Isidro (July 7).
Hindi ko napanood ito noong Linggo ng gabi pero ikuwento naman ng anak kong si LJ na nagwalk-out nga ang Bulls sa isang bahagi ng second quarter kung saan akala ko nagbibiro lang ito.
Napag-alaman ko na dismayado si coach Yeng Guiao sa tawag ng reperi. But then, bumalik din sila sa playing court.
Tumabla na ang Beermen sa kanilang serye sa 2-2 at back to zero ang kanilang series.
Sa kabilang dako naman, angat na ang Alaska sa kanilang serye, 3-1 laban sa Purefoods. May nagbiro nga na baka Red Bull vs Alaska pa ang finals sa tinatakbo ng laban.
Nauna ang San Miguel at Purefoods sa semis habang dumaan sa butas ng karayom ang Bulls at Aces bago naabot ito.
Ganyan talaga ang basketball. Bilog kasi ang bola.
Nakatakda ang pinanabikang bugbugan ng dalawa sa July 2 sa Araneta Coliseum.
So wait na lang tayo sa resulta sa Linggo.
Public viewing po ito pero may bayad na P500 ang pinakamataas at P50 naman ang pinakamura para sa mga taong gustong makita ang dalawang boksingero.
Mahal palang makita ang boksingero kahit praktis lang.
Kaya naman hindi kataka-takang mahal din ang tiket para sa aktuwal na laban.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended