Pacquiao, no comment pa rin
June 27, 2006 | 12:00am
Wala pa ring tinag ang kampo ni Manny Pacquiao na mapapabagsak nito ang kalabang si Oscar Larios ng Mexico kapag idinaos na ang kanilang laban sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
"I personally think it will be over in six rounds," wika ni American trainer Freddie Roach na binantayan si Pacquiao na nagsanay sa public workout kahapon ng tanghali sa Big Dome.
Ang mga suntok ni Pacquiao dagdag pa ni Roach ay singlakas ng isang middleweight boxer at ang kanyang pamatay ay ang kanang hook.
"Manny is now a complete fighter. We have improved on his right hook and I think it is now as powerful as his left. Hes very much in focus and he really wants to win this fight for his countrymen," dagdag pa ng beteranong trainer.
Dumalo rin si Larios sa pagtitipon at bagamat ang tanging ginawa niya ay ang mag-shadow boxing lamang ay kapansin-pansin na iba ang laki na ng kanyang muscle sa braso, tiyan at likod na dulot ng matiyaga niyang pagsasanay sa gym upang mapalaki ang kanyang timbang.
Ang Mexicano ay isang two time WBC super bantamweight champion at kailangang magdagdag ng walong libras upang maabot ang 130lbs super featherweight division.
"We came here to win," wika ng kanyang trainer na si Edison Reynoso. We expect Larios to give us a tough fight and we expect him to come out in the first few rounds. But I really believe we can handle him since we plan to break him down and take out his legs by working with his body.
"If he wants to come and make exchanges then I think that will be a big mistake for him," ani pa ni Roach.
Pinakita naman ni Pacquiao na nasa pinakamagandang kondisyon na siya sa laban matapos mag-spar ito ng tatlong rounds laban kay Rustam Goraev ng Russia. Sunod ay nag-ensayo sila ni Roach gamit ang mitts sa loob ng dalawang rounds at bilang pang-cool down ni Pacman ay sumabak siya sa skipping rope sa loob ng walong minuto at isang minutong fast shadow boxing.
"Yun mga ibang kasamahan ko ang nagpe-predict pero ako di ko talaga gawain yan. Ang masasabi ko lang ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para manalo sa laban at mapasaya ang sambayanang Pilipino," wika naman ni Pacquiao.
Upang labis pang mapatuwa ang mga nagtungo sa Big Dome ay inawit ni Manny ang pangalawang single niya na Laban Mo, Laban Ko bago lumagda ng autograph sa mga fans.
Aabot sa 10 fights para sa kabuuang 80 rounds na laban ang magaganap sa Linggo at ang main event ay magsisimula dakong alas-10:45 ng umaga. (LMC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am