^

PSN Palaro

Handa na si Larios!

-
Halos walang ingay na dumating kahapon sa Pilipinas si dating two-time world featherweight champion Oscar Larios mula sa Tokyo, Japan.

Nakasama ni Larios sa kanyang paglapag sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Japan Airlines Flight 741 si trainer  Edison Reynoso.

"We will win in this fight," sambit lamang ni Reynoso sa nakatakdang international super featherweight fight nina Larios at Filipino boxing idol Manny Pacquiao sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.

Kung nagsanay si Pacquiao sa Wildcard Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Hollywood, California, USA at sa boxing gym ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila, nag-ensayo naman si Larios sa Teiken gym sa Tokyo, Japan.

"Oscar is in great shape and he can fight Manny Pacquiao anytime," wika ni Reynoso, sinalubong ni manager Rafael Mendoza sa NAIA.

Sa ikatlong pagkakataon, muling magkakaharap ng personal sina Pacquiao at Larios sa pamamagitan ng itinakdang public workout ngayong alas-11 ng umaga sa Big Dome.

Muling magkakasama sina Pacquiao at Larios sa huling press conference para sa kanilang upakan sa Huwebes sa Discovery Suites na siya ring pagdarausan ng kanilang weigh-in.

Kaagad na hahataw ang nasabing 8-round card sa ganap na alas-8 ng umaga, habang nakatakda naman ang banggaan nina Pacquiao at Larios sa alas-10:45 nito.

Aaktong referee si Bruce Mactavish ng New Zealand, samantalang tatayo namang mga judges sina Daniele van der Wiele ng Belgium, Humbert Forgoni ng France at Noparat Sricharoen ng Thailand.  (Russell Cadayona)

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BRUCE MACTAVISH

DISCOVERY SUITES

EDISON REYNOSO

FREDDIE ROACH

HUMBERT FORGONI

LARIOS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with