Walang pakialam ang 25-anyos na si Milgar kung masugatan man ito nang mag-ala Darna sa huling metro para ungusan ang karibal mula sa Thailand na si Treewadee Yongphan.
Matapos ang masusing pag-aaral gamit ang video footage at photo finish, itinanghal na kampeon si Milgar taglay ang 56.76 segundo habang si Yongphan ay nagkasya sa silver taglay ang 56.78 segundo at bronze naman sa isa pang Thai Waetao Khang Chan na may 57.16 seconds.
Ayon kay national head coach Jojo Posadas, malaking kawalan si Milgar sa pambansang koponan nang magpasya ang huli na magpahinga muna upang paghilumin ang injury sa kaliwang paa at pagtuunan ang personal na bagay.
Kapwa may tigalawang ginto na sina Milgar at Mercedita Manipol sa womens category. Nagreyna si Manipol sa 5,000M run at 3,000M run.
Sa iba pang resulta, naka-double gold rin si Jelyn Rojas ng South Cotabato nang pangunahan ang girls javelin throw hawak ang 39.74M marka at sa girls shot sa kaniyang 9.81 naitala.