^

PSN Palaro

Mainit na panahon, bentahe kay Pacman

-
Mas mainit na pana-hon, mas magbibigay ng bentahe kay Manny Pacquiao. 

Ito ang obserbasyon ni Amateur Boxing Asso-ciation of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez kaugnay sa dahilan ng pagsentro ng pagsa-sanay ng international featherweight champion na si Pacquiao sa kani-lang boxing gym sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila. 

"Siguro mas malamig sa Baguio kaya dito siya nagti-training ngayon," wika ni Lopez kay Pac-quiao. "Baka mas magan-da siguro na masanay na si Manny sa init ng panahon dito sa Maynila." 

Ang maigting na pag-sasanay ni Pacquiao ay ukol sa kanilang 12-round bout ni dating world champion Oscar Larios ng Mexico sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum. Ayon kay Lopez, hanggang sa katapusan lamang ng buwang ito ang kasun-duan nila ng kampo ni Pacquiao hinggil sa pag-gamit ng boxing gym. 

"Iyon lamang naman ang usapan namin nila Mr. Wakee Salud. Iyon na-mang security, sila na ng Philippine Sports Com-mission (PSC) ang nag-usap doon," wika ni Lopez. 

Si Pacquiao ay naging bahagi ng programang Go-for-Gold ng ABAP nang hindi pa nakaka-gawa ng kanyang panga-lan ang pambato ng General Santos City.

 Kahapon ay ang ikat-long araw na ng pagsa-sanay ni Pacquiao sa ABAP boxing gym kung saan niya ginugugol ang pag-eehersisyo at spar-ring kay Russian light-weight Rustam Nugaev. (Russell Cadayona) 

AMATEUR BOXING ASSO

ARANETA COLISEUM

GENERAL SANTOS CITY

IYON

LOPEZ

MANNY LOPEZ

MR. WAKEE SALUD

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with