Galit si GTK kay Ramirez kaya...
June 22, 2006 | 12:00am
Kabi-kabilang kaso at reklamo ang bumulaga kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez bago siya dumating sa bansa mula sa Germany.
Ang mga ito, ayon kay Ramirez, ay bunga lamang ng personal na galit sa kanya ni Philippine Amateur Track and Field Association president Go Teng Kok.
"He is creating a demolition job on the chairman and on the Philippine Sports Commission as a whole. Pero hindi kami aatras sa laban na ito," sabi kahapon ni Ramirez kay Go, hindi pa nakakapagliquidate ng nakuhang cash advances na P1.4 milyon sa PSC.
Lumutang ang reklamo ng Brent International School sa Pasig Regional Trial Court ukol sa nakuhang P10 milyon ng PSC bilang cash advance sa 16 buwan nitong renta sa PhilSports Complex, dating Ultra.
Umusbong rin ang maanomalyang kontratang pinasok umano ni Ramirez sa Excelgard Security and Research, Inc., tinalo sa bidding ng Kemen Security Agency.
"He cannot just intimidate us, especially the chairman because the chairman is mandated by the law to put order and be transparent in every way," ani Ramirez kay Go.
Ang P10 milyon, ayon kay Ramirez, ay mabilis na iniluwal ng Brent School para sa pagpapagawa ng 25 airconditioned rooms ng 345 national athletes at coaches at Athletes Lounge sa PhilSports Complex.
Nagbayad lamang ang PSC ng P1.5 milyon sa Excelgard noong 2005 para sa mga security personnel sa Rizal Memorial Sports Complex at sa PhilSports Complex mula sa dating P2.8M ibinabayad ng mga nakaraang liderato sa komisyon.
"Masama ang loob ni Go Teng Kok dahil sa kanyang mga unliquidated cash advances," wika ni PSC Commissioner Richie Garcia.
"May mga naisubmit na siyang papeles pero may mga kulang pa rin." (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended