^

PSN Palaro

Maliliit na players ang aasahan

-
Kahit 5-foot-9 lamang si Khiel Misa, malahigante ang kanyang laro para makisabay sa mga ‘big men’ ng basketball competition ng National Collegiate Athletics Association noong nakaraang taon at sa nalalapit na pagbubukas ng 82nd season ng NCAA, malaking papel ang gagampanan nito para sa kampanya ng Altas.

Malaking responsibilidad ngayon ang nakaatang kay Misa sa pagkawala ng starting point guard ng Altas na si Dean Apor.

Si Misa ay No. 4 scorer sa liga at pinangunahan nito ang assists at steals.

Hindi nakarating sa Final Four ang Altas dahil nakapagtapos lamang bilang fifth place noong nakaraang taon.

Nagtapos ang Altas na may 6-8 win-loss slate makaraang simulan ang kanilang kampanya sa 0-4 at magtapos sa unang round sa 2-5 karta.

Sasandal ang Perpetual sa head coach na si Bai Cristobal sa karanasan ng mga beteranong sina Fritz Conrad Bauzon, Vladymir Joe at Josef Racho, gayundin sa mga rookies na sina Jay jay Aransazo, Michael Johnson Kong, Sang Myeon Lee at Riomar Perturbos.

"I have already designed a five-year basketball development program for UPHSD. If the program is strictly followed then I think we can expect improvements in Altas basketball," sabi Cristobal.

Wala pang titulo ang Las Piñas-based squad sa juniors at seniors na naging regular member ng liga noong 1984 ngunit sa Perpetual nanggaling ang mga sikat na basketbolistang sina Rene ‘Bong’ Hawkins, Chester Tolomia at Gilbert Malabanan. (CVOchoa)

vuukle comment

ALTAS

BAI CRISTOBAL

CHESTER TOLOMIA

DEAN APOR

FINAL FOUR

FRITZ CONRAD BAUZON

GILBERT MALABANAN

JOSEF RACHO

KHIEL MISA

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with