Pinay boxers umukit ng 2 gintong medalya
June 20, 2006 | 12:00am
HANOI, Vietnam Binanderahan ni two-time Asian boxing champion Mitchel Martinez ang makinang na pagtatapos ng Pilipinas nang sungkitin nito ang gintong medalya sa lightweight class ng 3rd Hanoi International Boxing Championships dito kamakailan.
Si Martinez, miyembro ng Phillipine National Police, ay umiskor ng RSC (Referee-Stopped-Contest-outscored) na panalo kay Taiwanese Chien Hsin-Tzu.
Isa pang ginto ang nakopo ng Pinas mula naman kay Annie Albania makaraang bugbugin si Indian R. Devi, 19-12 sa one-sided final.
Magiting namang nakipaglaban si Alice Kate Aparri ngunit hindi naging sapat nang talunin siya ni world champion MC Marycom ng India, 21-15 sa lightflyweight division.
Dahil sa nakuhang 2 ginto at isang silver, napuwesto ang mga Pinay sa second overall ng 15-nation tournament na may basbas ng International Boxing Association.
Ang biyahe ng mga Pinay ay mula sa tulong ng Pacific Heights at suportado ng Philippine Sports Commission.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended