Sa pangunguna ni Thai import Jaroensri Bualee, tinalo ng Lady Stags ang De La Salle Lady Archers, 25-13, 17-25, 25-18, 34-32, para umangat sa 8-4 (win-loss) slate sa ikalawang puwesto at ikaapat na panalo sa semis at makalapit sa 5-of-8 incentive rule ng liga na magkakaloob sa kanila ng playoff para sa ikalawang finals berth sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision.
Alas-12:00 ng tanghali ang laban ng Baster at Lyceum na susundan ng sagupaan ng Lady Tams at Lady Falcons sa alas-2:00 ng hapon.
Nakopo na ng La Salle na may 11-1 marka, ang unang finals berth noong nakaraang linggo.
"Our win against La Salle boosted our confidence and well try to pick up from there," ani San Sebastian coach Roger Gorayeb. "But I kept reminding the girls not to be complacent and stay focused."
Ang Lady Falcons, runners up sa UAAP at University Games noong nakaraang taon, ay may 7-4 record at must-win situation laban sa Lady Tams para manatili sa kontensiyon
Ang Lady Pirates at Lady Tams ay tabla sa 5-7 cards, ay talsik na sa kontensiyon ngunit inaasahang magbibigay ng hamon para sa magandang pagtatapos sa event na ito na suportado ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.