^

PSN Palaro

Playoff ticket tangka ng Baste sa V-League

-
Tangka ng San Sebastian College na makasiguro ng playoff para sa ikalawang championship berth sa pakikipagharap sa Lyceum ngayon habang ipagpapatuloy naman ng Adamson ang kanilang kampanya laban sa Far Eastern U sa V-League na hatid ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Sa pangunguna ni Thai import Jaroensri Bualee, tinalo ng Lady Stags ang De La Salle Lady Archers, 25-13, 17-25, 25-18, 34-32, para umangat sa 8-4 (win-loss) slate sa ikalawang puwesto at ikaapat na panalo sa semis at makalapit sa 5-of-8 incentive rule ng liga na magkakaloob sa kanila ng playoff para sa ikalawang finals berth sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision.

Alas-12:00 ng tanghali ang laban ng Baster at Lyceum na susundan ng sagupaan ng Lady Tams at Lady Falcons sa alas-2:00 ng hapon.

Nakopo na ng La Salle na may 11-1 marka, ang unang finals berth noong nakaraang linggo.

"Our win against La Salle boosted our confidence and we’ll try to pick up from there," ani San Sebastian coach Roger Gorayeb. "But I kept reminding the girls not to be complacent and stay focused."

Ang Lady Falcons, runners up sa UAAP at University Games noong nakaraang taon, ay may 7-4 record at must-win situation laban sa Lady Tams para manatili sa kontensiyon

Ang Lady Pirates at Lady Tams ay tabla sa 5-7 cards, ay talsik na sa kontensiyon ngunit inaasahang magbibigay ng hamon para sa magandang pagtatapos sa event na ito na suportado ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.

ANG LADY FALCONS

ANG LADY PIRATES

BLUE EAGLE GYM

BUT I

DE LA SALLE LADY ARCHERS

FAR EASTERN U

JAROENSRI BUALEE

LA SALLE

LADY

LADY FALCONS

LADY TAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with