Humataw ang leading Most Valuable Player contender na si Yap ng 23 sa kanyang kinamadang 33 puntos sa ikaapat na quarter ngunit nauwi ito sa wala nang masayang ang pagkakataon ng Chunkee Giants na agawin ang tagumpay.
Dikit lang ang iskor sa 93-92 pabor sa Aces, nang makakuha ng foul si Tony dela Cruz mula kay Richard Yee na nagdala sa kanya sa freethrow line ngunit na-split lamang nito ang kanyang bonus shots para sa final score, 4.3 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Nagkaroon ng pagkakataong makagawa ng play ang Purefoods na galing sa tatlong linggong break matapos dumiretso sa semifinals, ngunit pumaltos ang tangkang tres ni Castillo hanggang sa maubos ang oras.
Pinangunahan nina Mike Cortez at Willie Miller ang Alaska sa pagkamada ng 21-puntos at ibigay sa Aces ang 1-0 kalamangan sa best-of-seven semifinal series laban sa Chunkee Giants.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull at ang automatic semifinalists ding San Miguel Beer sa opening game ng kanilang sariling best-of-seven semis series. (Carmela V.Ochoa)