^

PSN Palaro

Aces naka-buwenamano

-
Nakaligtas ang Alaska sa hamong ibinigay ni Purefoods guard James Yap sa ikaapat na quarter para hatakin ang 94-92 panalo sa pagbubukas ng kanilang semifinal series sa Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kahapon.

Humataw ang leading Most Valuable Player contender na si Yap ng 23 sa kanyang kinamadang 33 puntos sa ikaapat na quarter ngunit nauwi ito sa wala nang masayang ang pagkakataon ng Chunkee Giants na agawin ang tagumpay.

Dikit lang ang iskor sa 93-92 pabor sa Aces, nang makakuha ng foul si Tony dela Cruz mula kay Richard Yee na nagdala sa kanya sa freethrow line ngunit na-split lamang nito ang kanyang bonus shots para sa final score, 4.3 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Nagkaroon ng pagkakataong makagawa ng play ang Purefoods na galing sa tatlong linggong break matapos dumiretso sa semifinals, ngunit pumaltos ang tangkang tres ni Castillo hanggang sa maubos ang oras.

Pinangunahan nina Mike Cortez at Willie Miller ang Alaska sa pagkamada ng 21-puntos at ibigay sa Aces ang 1-0 kalamangan sa best-of-seven semifinal series laban sa Chunkee Giants.

   Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull at ang automatic semifinalists ding San Miguel Beer sa opening game ng kanilang sariling best-of-seven semis series. (Carmela V.Ochoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CARMELA V

CHUNKEE GIANTS

GRAN MATADOR BRANDY

JAMES YAP

MIKE CORTEZ

MOST VALUABLE PLAYER

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with