^

PSN Palaro

Ncaa Preview: Letran Knights: Pinaghalong bagito at oldtimers ipaparada

-
Pinagsamang mga bagitong mukha at mga holdovers ang ipa-parada ng defending champion Colegio de San Juan de Letran sa pagbubukas ng 81st National Collegiate Athletics Association men’s basketball championship sa Araneta Coliseum sa June 24.

Taliwas sa solidong starting line-up at malalim na bench, mara-ming nawalang key players ang Letran na kinabibilangan nina John Paul Alcaraz, Jonathan Aldave, Billy Anabo, Mark Andaya, Frede-rick Rodriguez at Jonathan Pinera.

Inaasahang mas mahaba na-man ang oras ngayon ni point-guard Boyet Bautista na mangu-nguna sa Knights katulong ang Most Improved Player ng naka-raang taon na si Aaron Aban.

Makakaasa sila ng suporta mula kina Mark Anthony Balneg, Bryan Faundo, Rafael Joey Jazul, John Carl Melegrito, Hafer Mon-dragon, Andro Gil Quinday at Michael John Realista.

Ang mga rookies naman ay kinabibilangann nina Fiel Dino Daa, Reynaldo Dangcal Jr., Kirk Del Rosario, John Julien Foronda, Rey Francis Guevarra at Regin Ranises.

Makakasagupa ng Letran ang host school na College of Saint Benilde sa opening game sa Araneta Coliseum sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa ala-una.

Isang talo lang ang Letran sa 14-laro na kinapalooban ng 11-game winning streak bago nila dinispatsa ang SSC sa Final Four at tuluyang nakopo ang titulo laban sa PCU.(CVOchoa)

AARON ABAN

ANDRO GIL QUINDAY

ARANETA COLISEUM

BILLY ANABO

BOYET BAUTISTA

BRYAN FAUNDO

COLLEGE OF SAINT BENILDE

FIEL DINO DAA

FINAL FOUR

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with