^

PSN Palaro

NCAA INAABANGAN NA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Pormal na ilulunsad ang 2006 season ng NCAA sa ABS CBN compound sa Lunes at inaasahang magiging bongga ang launching na ito.

Nananatiling isa sa pinaka-exciting at pinakasikat na college leagues ang NCAA at hindi ito natitinag all through these years.

Si Jun Bernardino ang bagong commissioner ng NCAA, at inaa-sahang dahil sa kanya ay magkakaroon ng magandang takbo ang liga, lalo na pagdating sa officiating.

Ang Studio 23 pa rin ang may hawak ng coverage and if only for that, hundreds of thousands of NCAA fans are expected to have a good TV coverage.

Naniniwala ako na dahil sa presence ng isang bagong commissioner sa katauhan ni Jun Bernardino ay magkakaroon ng kakaibang ningning ang NCAA ngayong taon na ito.
* * *
Ang Letran ang siyang defending champion sa NCAA.

Sa ipinapakita ng mga bata ni Coach Louie Alas sa PBL ngayong finals, natural na sila pa rin ang lumalabas na outstanding pre-tournament favorite.

Halos wala namang nagbago sa line-up ng ibang teams, pero siyempre, asahan ang pagsulpot ng ilang magagaling na rookies.

Si Kelvin dela Peña ang inaasahang mangunguna sa kampanya ng MIT Cardinals na hawak ni Coach Horacio Lim.

Ibang-iba na ngayon ang College of St. Benilde dahil batak na batak ito sa training nito with the Rain Or Shine team sa PBL. Si Caloy Garcia ang kanilang head coach.

Sa Lunes, malalalaman na natin ang ilan sa pagbabago sa mga NCAA teams.
* * *
Ngayong araw na ito magkaka-alaman ang Red Bull at Ginebra.

2-2 ang series nila at ngayon ang deciding Game 5.

Hindi inaasahan na magiging 2-2 ang score dahil sa inakala ng iba na makaka-3-0 ang Red Bull dahil nga sa depleted ang line-up ng Ginebra.

Pero dahil nga sa never-say-die spirit ng Ginebra, umabot pa yan sa Game 5.

Ewan kung paano magkakasya ang tao sa Ynares Center mamayang gabi sa dami ng taong magnanais na makapanood ng live ng Game 5 na ito.
* * *
Naghihintay na lang on the side ang Purefoods at San Miguel Beer.

Aba, biruin nyong kung nanalo pala ang Coca-Cola sa laban nito sa Alaska at nanalo rin ang Ginebra sa Red Bull, ang magiging casting sa Final Four ay Purefoods, SMB, Ginebra at Coca Cola.

Aba, lahat yan ay San Miguel Corporation teams.
* * *
Tatahi-tahimik na tao yang si Lordy Tugade pero kung iisipin mo, isa siya sa most unheralded and underrated cagers sa PBA.

Napakagaling maglaro at maraming galaw.

Napakabait pang bata.

Di nagbabago sa kanyang ugali mula noong isa pa lang siyang simpleng player mula sa National University.
* * *
Joke ala-Love Radio:

Kadyot lang, kadyot lang: bakit kaya ang galing galing niyang maglaro sa PBA ngayon?

Siguro kasi..... takot tumakbo ng nakahubo sa Baywalk. hahahaha......

Kailangan pa bang i-memorize yan.....

ANG LETRAN

ANG STUDIO

CENTER

COACH HORACIO LIM

COACH LOUIE ALAS

COCA COLA

GINEBRA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with