1,750 ang lahok sa JVC Open
June 15, 2006 | 12:00am
Isang malaking cast na umaabot sa 1,750 players, na tinatampukan ng mga pinakamahuhusay na shuttlers ng bansa at future stars ang kasali sa pagtatanghal ng ikaanim na edisyon ng JVC Open Badminton Championships na pasisimulan ng qualifying sa June 25 sa PowerSmash sa Makati.
Sa kabuuan, may 523 ang maglalaban-laban para sa pangunahing karangalan sa elite division habang 401 naman ang sa junior 16-under category ng P1M event na hatid ng JVC (Phils.) Inc., na mas malaki sa dating bilang ng partisipante noong nakaraang taon na 1,266.
Ang mga kalahok ay maglalaban-laban sa isang linggong elimination para sa puwesto sa tournament proper na magsisimula naman sa July 2 sa Glorietta Activity Center sa Makati. Para sa ilang detalye, maglog-on sa www.jvcbadminton.com.
Sa katunayan, may walong kategorya ang nakalinya ngayong taon-- ito ay ang veterans-elite, veterans-novice,celebrity, alumni at the 28-team corporate division na may nakalaang P50,000 para sa champion.
Ang winners sa elite category ay tatanggap ng P12,000 at gift prizes. Ang corporate division champion ay magbubulsa ng P50,000. Ang juniors at veteran divisions (all-events) champions ay mag-uuwi naman ng tig-P8,000 bawat isa.
Ang naturang event ay suportado din ng Victor, (exclusively distributed ng Pcome Industrial Sales), Inc., Bacchus Energy Drink, Lactacyd, Snickers Chocolates, Pioneer Life, LTIME Studio, Lifestyle Watch Store, Alaska, Ayala Center, The Philippine STAR, Accel, Sunbolt, PowerSmash, Pinoy Exchange, Solar Sports at Magic 89.9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest