^

PSN Palaro

Titulo maisubi na kaya ng Toyota?

-
Isang panalo na lang ang naglalayo sa Toyota Otis at sa kanilang kauna-unahang korona sa Philippine Basketball League (PBL).

"Wala na kaming nasa isip ngayon kundi makuha na ‘yung championship. But we still have to intensify our effort to beat Harbour Centre," sabi ni mentor Louie Alas.

Ibinabandera ang 2-1 abante, sisikapin ng Sparks na wakasan na ang kanilang best-of-five championship showdown ng Harbour Centre Portmasters ngayong alas-3 ng hapon sa Game 4 ng 2006 PBL Unity Cup Finals sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.

Inangkin ng Toyota Otis ang Game 1 buhat sa 68-51 tagumpay bago naitabla ng Harbour Centre ang kanilang serye sa 1-1 mula sa kanilang 78-63 pagwawagi sa Game 2.

Mula sa kinayod na 21 puntos ni JV Casio, tampok rito ang 5-for-6 shooting sa 3-point line, at 13 ni Cebuano cager Ardy Larong, inangkin ng Sparks ang Game 3 via 83-80 victory para itala ang kanilang 2-1 bentahe kontra Portmasters.

Hangad ng Toyota Otis na maibulsa ang kanilang kauna-unahang titulo matapos lumahok sa amateur league noong 2004.

"We’ll definitely go for it. Mag-iiba ang complexion ng series kapag nakatabla pa sila," ani Alas, humugot ng korona sa MBA para sa Manila Metrostars at sa NCAA para sa Letran Knights.

Sina Casio, Larong, Aaron Aban, Boyet Bautista, Mark Andaya at Most Valuable Player (MVP) awardee Joe Devance ang muling babandera sa Sparks katapat sina Joseph Yeo, LA Tenorio, Robbie Reyes, Rico Maierhofer at Chico Lanete ng Portmasters. (Russell Cadayona)

AARON ABAN

ARDY LARONG

BOYET BAUTISTA

CHICO LANETE

HARBOUR CENTRE

HARBOUR CENTRE PORTMASTERS

JOE DEVANCE

JOSEPH YEO

LETRAN KNIGHTS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with