Isa ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang tinamaan ng naturang direktiba ng AFP.
Kasalukuyan ngayong nagsasanay sina 2005 Philippine Southeast Asian Games gold medalist finweight Jeffrey Magliquian, silver medalist featherweight Jogen Ladon at national womens team coach Roel Velasco.
Noong Abril pa nasa kampo ng Philippine Navy sina Magliquian, Ladon at Velasco at matatapos lamang ang kanilang BMT sa Oktubre, dalawang buwan bago ang 2006 Doha Asiad.
Dahilan rito, sinulatan na ni ABAP president Manny T. Lopez ang Commanding Officer ng Philippine Navy upang hilinging ipagpaliban nina Magliquian, Ladon at Velasco ang kanilang BMT matapos ang 2006 Doha Asiad sa Disyembre 1-15.
Subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring sagot ang Philippine Navy sa kahilingan ni Lopez.
Bukod sa mga Navymen, sumailalim rin sa kanilang BMT ang mga Airforcemen noong Marso matapos magsimula noong Enero.
Halos 80 porsiyento ng mga national athletes ay mga enlisted personnel ng Philippine Navy at Airforce. (Russell Cadayona)