Pinayukod ng 27-anyos na si Orcollo, lumalaro mula sa stable ng businessman na si Perry Mariano si Kim Kimmer Davenport, 9-8 ng Oklahoma sa second set ng finals.
Bunga ng panalong ito, kumubra si Orcollo ng US$12,500, habang nakuntento naman si Davenport sa runner-up prize na US$7,500.
Matapos na makakuha ng bye sa first round, ginapi ni Orcollo sina Todd Chapman (9-3), Corey Deuel (9-5), Tom Seymour (9-1), Tim Hall (9-5), Riche Geiler (9-3), Bill Ganne (9-8) at si Davenport (9-1) para sa hot-seat match, ayon sa pagkakasunod.
Nagkaroon ng tsansa ang 50-gulang na si Davenport, 1990-97 winner dito sa Sands Regency event, na maipuwersa ang rematch kay Orcollo matapos na talunin ang pambato ng Texas na si Jui Lung Chen, 9-7 sa huling silya ng losers bracket.
Tinalo ni Davenport si Orcollo sa come-from-behind, 9-7 racks upang hatakin ang set sa double elimination finals laban sa taglay ni Orcollo na twice-to-beat advantage.