2 titles para sa Asuncions
June 12, 2006 | 12:00am
Nagtala sina Kennie at Kennevic Asuncion ng dalawang come-from-behind victories para makapagsubi ng dalawang titulo mula sa Australia at New Zealand na nagpalakas sa top Filipino mixed doubles pair sa kanilang hangaring makasulong sa world ranking.
Mula sa kanilang sopresang runner-up finish sa nakaraang Bingo Bonanza Philippine Open, naghabol mula sa pagkatalo sa unang set ang Asuncions upang pabagsakin ang Aussie pair na sina Raj Veeran at Renuga Veeran, 18-21, 21-14, 21-17, at makopo ang mixed doubles title sa 2006 Ballarat Eureka International Championships sa Ballarat, Australia noong June 4.
Bitbit ang momentum mula sa kanilang matamis na tagumpay, hinarap ng magkapatid na Asuncion ang New Zealand, nagpamalas din sila ng galing para angkinin ang 17-21, 21-17, 21-13 panalo laban kina Daniel at Lianne Shirley, para ibulsa ang titulo sa 2006 Babolat North Harbour International Championships sa North Harbour, New Zealand.
Ang mga naturang events na nilahukan ng England, Scotland, Ireland at Malaysia ay mga Grade A international tournaments ng International Badminton Federation (IBF) kaya nakakuha ng ranking points ang Asuncions gayundin sa kanilang second place finish sa RP Open, na isang four-star IBF tournament.
Ang Asuncions na naglalaro para sa Golden Shuttle Foundation, ay nakarating sa No. 22 noong 2005 ngunit bumagsak sa No. 56 dahil sa kakulangan sa international exposure.
"These victories are not just for us but for the entire Philippines, and not just for the badminton community in the Philippines, but also for the Filipino communities in Australia and New Zealand," ani Kennie.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest