Bobby Pacquiao sing-bangis ni Manny
June 12, 2006 | 12:00am
Hiniya ni Bobby Pacquiao ang dating featherweight champion na si Kevin Kelley nang kanyang patulugin ito sa loob lamang ng apat na rounds sa labang nagsilbing undercard sa main event na kinatampukan nina Miguel Cotto at Paulie Malignaggi kahapon sa Madison Square Garden sa New York City.
Pinakain ng 25-anyos ng mas batang kapatid ng dating two time world champion at pinagpipitaganang Filipino boxer na si Manny Pacquiao, ang lahat ng sinabi ni Kelley na patitikimin nito ng masakit na kabiguan si Pacquiao nang siya ang lumasap ng bangis ng kamao ni Bobby.
Sa tindi ng parusang inabot sa 57 na kaliweteng si Pacquiao na kilala rin sa taguring The Sniper ay dalawang beses humalik sa lona ang 38-anyos na si Kelley. Una itong tumumba sa ikatlong round bago tuluyang tinapos ni Pacquiao gamit ang left hook sa katawan ni Kelley na tumumba at di na nakatayo matapos makumpleto ni referee Steve Willis ang kanyang 10-count.
Ang tagumpay ay nag-akyat sa ring record ni Pacquiao sa 27 panalo sa 41 laban at pang-12 niya ito kung knockout win ang pag-uusapan. Ito rin ang ikatlong sunod niyang panalo matapos lumasap ng kabiguan kay Fahprakorb Rakkiatgym noong Pebrero, 2005, at nagpatunay din na karapatdapat siyang manalo laban kay Carlos Hernandez na kanyang tinalo gamit ang split decision noong Oktubre 8, 2005 sa Thomas and Mack Center, Las Vegas.
Gaya ng sinabi ng mga humahawak sa kanya sa pangunguna na nina American trainer Freddie Roach at manager Michael Koncz na nasa pinakamagandang kondisyon ang tubong General Santos City boxer, lumabas ang bilis ng kamao at lakas sa bawat suntok na kanyang binibitawan.
Kapansin-pansin din na may planong inilatag ang kanyang kampo kung paano tatalunin si Kelley na pumasok sa laban may apat na sunod na panalo, ang huling dalawa nga ay nauwi sa KO tagumpay.
Ang panalong ito ay nangahulugan na siya na ang may tangan ng WBC Continental America Super Featherweight title na dating hawak ni Kelley na nalaglag sa kanyang ika-pitong kabiguan matapos ang 67 laban.
Ito rin ay inaasahang magbubukas ng pinto para mapalaban na siya sa mas matitinding katunggali na posibleng isang title fight sa darating na mga buwan. (L.Constantino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended