Coo, humingi ng tulong sa PSC
June 9, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ni national bowling coach Bong Coo ang tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagkuha ng serbisyo ng isang foreign coach na aagapay sa paghahanda ng national bowling team sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Ayon kay Coo, kakausapin niya si PSC chairman William "Butch" Ramirez pagbalik nito sa bansa mula sa pagdalo sa FIFA Congress sa Germany.
"I will ask the help of chair-man Butch Ramirez regarding our need to get a foreign coach," wika kahapon ni Coo, nagpagulong ng limang gin-tong medalya sa Asian Games.
Ang paghahanap ni Coo, miyembro ng national coach-ing staff ng Philippine Bowling Congress (PBC), ay bilang sagot sa pagkakasibak kay American mentor Purvis Granger.
Pinatalsik ng PBC si Granger, sumasali sa mga torneo kalaban ang mga Filipino bowlers, mula na rin sa reklamo ng mga national bowl-ers, isa na rito si World Cup champion CJ Suarez.
"Gusto namin na this time magkaroon na ng transfer of technology hindi kagaya noon," sabi ni Coo. "We are looking for either an American or European bowling coach na tatanggap ng monthly salary na $2,500."
Ang $2,500 na monthly allowance ng isang foreign coach mula sa PSC ay dadag-dagan na lamang ng PBC, dagdag ni Coo.
Sa nakaraang Asian Games sa Busan, Korea noong 2002, nagpagulong ang tambalan nina four-time World Cup titlist Paeng Nepomuceno at RJ Bautista ng isa sa tatlong gintong medalya ng Team Philippines sa mens doubles event. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest