Naka-9 na ang La Salle
June 8, 2006 | 12:00am
Sa pinagsamang lakas at solidong net defense, hiniya ng De La Salle ang Lyceum, 25-14, 25-16, 25-20, kahapon upang palawigin ang kanilang pananalasa sa siyam na sunod na panalo sa V-League na ipiniprisinta ng Shakeys Pizza sa Blue Eagle gym.
Pinatunayan ng Lady Archers ang kanilang tikas sa kaagahan ng laro ng agad na kunin ang dalawang sets sa isang lopsided na panalo, bago nagawang bumangon ng Lady Pirates sa third set ng magbigay ng mabigat na laban, ngunit nanatiling matatag ang depensa ng Taft-based spikers at tuluyang isara ang laban upang kumpletuhin ang straight-set na panalo.
Binanderahan nina skipper Desiree Hernandez at Thai import Jindarat Kinchana ang atakle ng kumana ng tig-13 hits, habang nagdagdag naman si Michelle Datuin ng 12 at ilapit ang Lady Archers sa pagtapak sa ikaapat na finals appearance sa torneo na ipiniprisinta ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision.
Naging mainit ang panimula ng La Salle laban sa Lyceum, kumpara sa nakaraang pakikipaghamok sa San Sebastian noong nakaraang linggo ng ang Taft-based netters ay yumukod sa unang dalawang sets, bago nila na-sweep ang sumunod na tatlong laro, 21-25, 23-25, 25-9, 25-21, 15-5.
Pinangunahan naman ni Con Con Legaspi, na tumulong sa La Salle sa kanilang pagsikwat ng korona noong nakaraang taon ang lahat ng hitters sa pagpuntos ng 14, na karamihan nito ay mula sa third set ng mabigong ibangon ang Lady Pirates para hatakin ang extra set.
Sa ikalawang laro, lumapit ang San Sebastian College sa kanilang kampanya sa finals nang gulantangin nila ang Adamson University, 25-19, 25-27, 27-25, 25-18.
Ito ang ikalawang panalo ng Lady Stags sa semis na naglapit sa kanilang biktima na lumasap naman ng ikatlong kabiguan sa torneong suportado rin ng ng Accel, Mikasa, ABC-5 at ABC Sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am