^

PSN Palaro

Belasco, kumana ng tres para sa panalo ng Aces

-
Walang tinamaan kundi net ang tres na pinakawalan ni Nick Belasco bago maubos ang oras upang kumpletuhin ang kanilang come-from behind win laban sa Coca-Cola, 95-94 sa pagbubukas ng quarterfinal series ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Nasa bingit na ng kabiguan ang Alaska matapos iwanan ng Tigers sa 94-92 matapos ang triple at split ni Johnny Abarrientos papasok sa 18.1 segundo ng labanan.

Umiskot si Miller ng long jumper at nagkaroon ng tsansa ang Alaska nang magmintis si Abarrientos sa kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Mike Cortes, 8.7 segundo pa ang oras sa laro.

Si Belasco ang naka-rebound bago niya ito ibinigay kay Willie Miller na nagipit pagtawid sa kanilang court sa double defense na tinanggap nito at mabilis niyang ipinasa ang bola kay Belasco na nagpakawala ng winning basket para sa final sore.

Tumapos ng 20-puntos si Belasco, 10 puntos nito sa ikaapat na quarter at may 20-puntos din si Willie Miller, 11 nito sa final canto at sumuporta naman si Mike Cortez ng 18-points para sa Aces na kumuha ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five quarterfinal series kung saan ang winning team ay sasagupa sa best-of-seven semifinal series laban sa Purefoods.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Barangay Ginebra at ang Red Bull sa Game-One ng kanilang sariling quarterfinal series.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BELASCO

GRAN MATADOR BRANDY

JOHNNY ABARRIENTOS

MIKE CORTES

MIKE CORTEZ

NICK BELASCO

PHILIPPINE CUP

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with