^

PSN Palaro

‘My Life, Allan Caidic, The Triggerman’

SPORTS - Dina Marie Villena -
Good news sa mga fans ni Allan Caidic. Sa June 15, sa mismong kaarawan ng tinaguriang ‘The Triggerman’ ng PBA, ilulunsad ang kanyang sinulat na libro na pinamagatang "My Life, Allan Caidic, The Triggerman".

Tungkol ito sa buhay ni Allan simula pagkabata hanggang sa mag-aral sa kolehiyo sa University of the East, paglalaro sa RP Team, PBL (dating PABL), PBA hanggang sa mag-coach at ngayon ay manager ng Barangay Ginebra sa PBA.

Tinalakay din ni Allan dito ang kanyang inspirasyon, ang kanyang inang si Mercedes Flores Caidic (na yumao noong Nobyembre 29) at idolo niya ang amang si Edilberto at siyempre ang buong pamilya niya kinabibilangan ng maganda at butihing asawa na si Milotte at mga anak na sina Marisse at Inah.

It’s more of a photo biography so ma-e-enjoy ninyong basahin.

Hopefully masisilbing inspirasyon itong book na ito ni Allan sa mga kabataang may ambisyon na maging player. At walang anumang hadlang kung pursigido ka talagang maging matagumpay tulad niya.

Mabibili na ito sa National Bookstore simula sa June 15 sa halagang kayang-kaya. Magkakaroon ito ng autograph signing sa SM Fairview, SM Manila at SM Megamall sa June 23, 24 at 25.
* * *
How true naman ang balitang ito na limited daw ang media accreditation para sa Pacquiao-Larios sa July 2. Ayon sa balita ko may 30 lang media (15 sa reporters at 15 sa photogs) kasama na ang foreign media na kokober sa mabibigyan ng accreditation. Ano ‘to? Malaking event tapos limitado ang media coverage?

Balita ko pa pawang mga broadsheet lamang sa Manila ang mabibiyayaan nito at yung mga tabloids etsapuwera na.

Ganun?

Sus ano ba ‘yan. Pati kapwa mo Pilipino namimili na rin. Ganyan makikita ang discrimination sa pagitan ng mga newspaper dito sa atin.

Wow grabe ha!!! Totoo ba ito?
* * *
May isang masugid na tagasubaybay natin na nagrereklamo tungkol naman sa mga players ng Las Piñas Dev’t Bank of the Philippines sa paliga ng DBP Village. Wala na raw ang tunay na kahulugan ng sportsmanship dahil kamakailan lamang sa championship ng liga na ginanap noong Mayo 18. Okay na sana na mga miron yung nambabastos (di rin okay ha) pero nakakalungkot isipin na mismong player nila ang nanggulo. Isang player nila ang nanuntok at nanugod na inayudahan naman ng kanilang team coach na nanugod din sa bench ng kalaban.

Siguro, bago magpaliga pag-aralan muna ang tunay na kahulugan ng salitang ‘sportsmanship’.

Marami tuloy ang nagsasabing iboykot na lamang daw ang paligang ito para wala ng gulo. Yearly daw ginaganap itong liga. Dapat alam na nilang magpatakbo lalo na kung nag-iimbita sila ng ibang team.
* * *
Happy birthday to my dear friend Mayette Delgado Gonzales on June 10. Siyempre sa aking mother-in-law din na si Mrs. Carolina villena on June 9. Belated naman sa magaling na volleyball player na si Mayeth Carolino na nagdiwang noong June 4 (galing din kay Mayette), Kay Eton Navarro (June 4) at Mario Basco (June 5).

ALLAN CAIDIC

BANK OF THE PHILIPPINES

BARANGAY GINEBRA

KAY ETON NAVARRO

LAS PI

MARIO BASCO

MAYETH CAROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with