Estonia, ginulat ng Pinays
June 5, 2006 | 12:00am
Sinorpresa ng 60th-seeded RP womens squad ang 34th-seeded Estonia, 2.5-.5 sa isang lopsided na panalo upang makapasok sa top 14 matapos ang 12th at penultimate round ng 37th World Chess Olympiad noong Sabado ng gabi sa Olympic Village sa Turin, Italy.
Trinangkuhan nina WNM Catherine Pereña at WIM Beverly Mendoza ang panalo ng Pinay chessers na nagbigay sa kanila ng 21.5 puntos at umakyat mula sa 14th-19th places kasalo ang biktima nilang Slovenia, Vietnam, Cuba, Netherlands at Czech Republic sa pagtatapos ng nasabing chesssfest.
Nanaig si Pereña kay WIM Monika Tsiganova, habang diniskaril naman ni Mendoza si WFM Valeria Gansvind kung saan naipuwersa naman ni WNM Sherily Cua ang kanilang laban ni WIM Viktoria Bashkite sa draw upang makaiwas ang Slovenia sa pagkabokya.
Sa mens side, umiskor ang bagitong si FM Oliver Dimakiling ng panalo matapos niyang yanigin si IM Richard Forster sa board 3 upang banderahan ang 35th-seeded RP mens team sa 2-2 draw laban sa 29th-seeded all-GM squad Switzerland.
Nakipaghatian ng puntos sina GMs Eugene Torre at Rogelio Joey Antonio kina GMs Yannick Pelletier at Florian Jenni sa middle boards.
Gayunpaman, hindi nagawang sustinihan ng 22-anyos GM na si Mark Paragua ang kanyang momentum matapos na dumanas ng time-pressure at yumukod ito sa two-time world championship challenger GM na si Viktor Korchnoi, ang pinakamatandang chesser sa edad na 75.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended