Gin Kings kumakapit

Paralisado na nga ang line-up ng defending champion Barangay Ginebra, nalagasan na naman sila ng isa pang player ngunit sa likod nito ay nagawa pa ring kubra-hin ng Gin Kings ang im-portanteng tagumpay upang palakasin ang kanilang kampanya sa huling quarterfinals berth nang umiinit na Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.

Nasa injured list pa rin sina Romel Adducul at Andy Seigle at nadagda-gan ito ng pagkawala ni Jayjay Helterbrand na nagkaroon ng injury sa flexor muscle sa kaliwang binti bago matapos ang ikatlong quarter matapos itong humataw ng 12-puntos sa kanyang tina-pos na 21 at dina naka-balik sa final canto.

Nagsanib naman ng puwersa sina Eric Menk na umiskor ng 11 sa kan-yang team-high na 26-points at Mark Caguioa na kumamada ng 12 sa kanyang tinapos na 18-puntos upang makubra ng Ginebra ang ikalawang panalo sa single round carry over wild card phase na ito na nag-angat sa kanila sa 9-9 panalo.

Kung magtatagumpay ang Air21 (8-9) laban sa Talk N Text (6-11) na kasa-lukuyang naglalaban ha-bang sinusulat ang bali-tang ito, ay magiging sudden-death ang Gin King-Express game bu-kas, para sa ikaapat at huling quarterfinals berth na ipagkakaloob sa survi-ving team ng round na ito.

Bagamat wala na sa kontensiyon ang kulelat na Realtors na lumasap ng ikalawang talo sa yug-tong ito at ika-14 sa kabu-uang 18-laro, nakipagla-ban sila ng ngipin sa ngi-pin kontra sa Ginebra na nakawala lamang sa huling apat na minuto ng labanan sa pamamagitan ng 15-7 produksiyon upang iselyo ang kanilang tagumpay.

Show comments