^

PSN Palaro

Lomibao isinalba ang araw ng mga Pinay

-
ITALY--Isinalba ni top board player Women Fide Master Sheerie Joy Lomibao ang araw ng Philippine chess team nang talunin niya si WIM Atousa Pourkashiyan at maipuwersa ng mga Pinay ang 1.5-1.5 draw kontra sa malakas at 37th-seeded Iran, ngunit hindi naman naging mapalad ang 35th seed men’s team na yumuko sa 12th-seeded China, 0.5-3.5, sa 8th round ng 37th World Chess Olympiad sa Olympic Village sa Turin, Italy.

Sa board two, nakatabla si 2005 SEA Games silver medalist WNM Catherine Pereña kontra kay WGM Shadi Paridar habang nadapa naman ang kanyang kateammate at baguhang si WNM Sherily Cua kay WFM Shirin Navabi sa board three.

Target ng mga Pinay na malagpasan ang 48th place finish sa 36th Palma de Mallorca edition may dalawang taon na ang nakalilipas sa kanilang 13.0 points para makasama sa 36th place hang-gang ika-41st na puwesto na kinabibilangan ng Iran, Turkmenistan, Switzerland, Sweden at ninth round opponent 41st-seeded Turkey.

Sa men’s play, nakihati ng puntos si GM Rogelio "Joey" Antonio Jr., hawak ang puting piyesa kay GM Zhang Zhong sa marathon 63 moves ng Ruy Lopez Opening sa board two.

Bigo naman ang pambato ng bansa at top ranked player na si GM Mark Paragua, tangan ang itim na piyesa kay GM Bu Xiangzhi sa 59 moves ng Slav Defense sa board one habang yumuko din si reigning national open champion NM Darwin Laylo kay GM Zhang Pengxiang matapos ang 43 moves ng Center Counter Game sa board three at natalo din si FM Oliver Dimakiling kay GM Wang Yue matapos ang 44 moves ng Veresov Opening sa board four.

ANTONIO JR.

ATOUSA POURKASHIYAN

BOARD

BU XIANGZHI

CATHERINE PERE

CENTER COUNTER GAME

DARWIN LAYLO

MARK PARAGUA

OLIVER DIMAKILING

OLYMPIC VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with