^

PSN Palaro

RP chess team nalo sa Iceland

-
Nagbalik ang bangis ng Philippine chess team makaraang pigilan ang all-GM Iceland team, 3.5- 0.5 at punan ang mahinang performance sa nakalipas na araw.

Naging doble pa ang selebrasyon ng bansa nang magpakitanggilas naman ang RP women’s team na pinayuko ang Finland, 2.5-0.5.

Nagpakita ng mahusay na performance ang mga rookies na sina WNM Catherine Peñena at Sherily Cu nang hiyain nila sina WIM Tanja Rantanen at Laura Savola, ayon sa pagkakasunod sa board two at three sa seventh round ng 37th World Chess Olympiad sa Olympic Village sa Turin, Italy.

Bukod tanging top board player ng Finland na WIM na si Nina Sammalvuo (ELO 2249) ang nakahablot ng tabla kontra kay WFM Sheerie Joy Lomibao para makaiwas sa pagkabokya.

Sa men’s competition, tinalo ni GM Mark Paragua, hawak ang puting piyesa, si GM Hlifar Hannes Stefansson sa loob lamang ng 22 moves ng Spanish Game para maitala ang unang panalong 35th-seeded men’s team sa board one.

Nakapag-ambag naman si Reigning national open champion NM Darwin Laylo ng tabla kontra kay GM Henrik Danielsen sa 51 moves ng English Duel sa board three.

Inilista naman nina GM Rogelio "Joey" Antonio Jr. at FM Oliver Dimakiling ang final blow ng gulantangin nila sina dating world championship candidate GM Johann Hjartarson sa 44 moves ng Nimzon-Indian Defense at GM Throstur Thorhallsson (ELO 2448) sa 47 moves ng Queen’s Pawn Opening sa board two at four.

ANTONIO JR.

CATHERINE PE

DARWIN LAYLO

ENGLISH DUEL

HENRIK DANIELSEN

HLIFAR HANNES STEFANSSON

JOHANN HJARTARSON

LAURA SAVOLA

MARK PARAGUA

NIMZON-INDIAN DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with