^

PSN Palaro

Klaro pa ang signal ng Talk N Text

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Mahirap pero puwedeng gawin! Ito marahil ang nais ikintal ni coach Derick Pumaren sa isipan ng kanyang mga manlalaro sa hangarin ng Talk N Text na makarating sa quarterfinal round ng Gran Matador-PBA Philippine Cup.

Ang Phone Pals, na isa sa mga koponang pinapaboran bago nagsimula ang torneo, ay nalaglag sa "wild card" phase matapos na magtala ng 6-10 record sa pagtatapos ng classification round noong Biyernes.

Malaking let down iyon para sa Phone Pals lalo’t nagka-roon ng maraming pagbabago sa team bago nagsimula ang conference. At sa kalagitnaan nga ng classification round ay niyanig nila ang liga nang magsagawa sila ng blockbuster trades kung saan nakuha nila sina Ren-ren Ritualo buhat sa Air 21 at Don Carlos Allado buhat sa Alaska Aces.

Pero sa kabila nito’y hindi naging madali ang turnaround ng Talk N Text at sa halip ay nakalasap sila ng anim na sunud-sunod na pagkatalo.

Tatlo dito ay naganap matapos ang trade at ang pagka-ka-reactivate sa Number One Draft pick na si Anthony Washington.

Mabuti na nga lang at napatid nila ang six-game losing streak nang talunin nila ang Coca-Cola noong Biyernes.

Kahit paano’y pumasok sila sa "wild card" phase nang may "winning feeling." Masaklap kasi kung na-extend sa pito ang kanilang losing streak. Baka bumaba na nang todo-todo ang kanilang morale at mahirapan na silang makabawi sa "wild card" phase.

Isa pa, kung natalo nga sila sa Coca-Cola, bale magiging 5-11 ang kanilang carryover record. Opo, bibitbitin ng mga teams ang kanilang carryover record sa "wild card" phase.

Ang Sta. Lucia ay mayroong 4-12 samantalang ang nagtatanggol na kampeong Barangay Ginebra ay may 7-9. Ang matatalo sa Coca-Air 21 playoff na ginanap kahapon ay mayroon ding 7-9. So kung 5-11 ang record ng Talk N Text, aba’y dalawang panalo ang magiging abante ng ibang teams kontra sa Phone Pals. Mahirap nang bumangon.

Kailangang ma-sweep na ng Phone Pals ang "wild card" phase para makapwersa ng playoff para sa huling quar-terfinals berth. Ito rin ang misyon ng Sta. Lucia, e.

Ngayon ay medyo dikit ang Talk N Text sa Ginebra o sa matatalo sa Air 21-Coca-Cola game. Hindi gaanong mataas ang bundok na aakyatin nila. Pero siyempre, wala na ring "margin of error" para sa Talk N Text.

Kailangan ay palaging "perfect game" ang lalaruin nila. Kapag natalo sila sa dalawang koponang nakakaangat sa kanila sa "wild card" phase, patay na ang tsansa nila! Kaya naman kailangan ay matindi ang maging motivation ng mga manlalaro ni Pumaren.

Kailangang ipaunawa sa kanila na malaki ang tiwala at expectation sa kanila ng management at hindi nila ito dapat na biguin. Ibinigay na sa Talk N Text ang lahat ng kailangan nila.

Kailangang suklian na lang nila ng maganda ang lahat ng iyon!

ALASKA ACES

ANG PHONE PALS

ANG STA

ANTHONY WASHINGTON

COCA-COLA

KAILANGANG

NILA

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with