^

PSN Palaro

Pinoy chessers nalo sa Ecuador

-
Iginupo ni Oliver Dimakiling si Miguel Medina para pangunahan ang men’s RP Team tungo sa 3-1 panalo laban sa No. 59 Ecuador matapos ang sixth round ng 37th World Chess Olympiad na ginaganap sa Olympic Village sa Turin, Italy.

Gayunpaman, hindi naman naging ma-palad ang 60th-seeded na Pinay team kontra sa No. 32 Belarus, na lumasap ng 0.5-2.5.

Hawak ang itim na piyesa, nanalo ang 26-year-old na si Dimakiling mula Davao City matapos ang 43 moves ng Reti Opening para maitala ang unang panalo ng RP men’s squad sa board three.

Sumunod naman na nanalo ang kan-yang mga teammates na sina national open champion NM Dawin Laylo at ang 12-year-old FM na si Wesley So na tumalo kina IM Daniel Mieles matapos ang 47 moves ng Colle System Opening at IM Plinio Pazos sa marathon 60 moves ng Modern Defense sa board two at four, ayon sa pagkakasunod.

Bukod tanging si GM Carlos Franco Matamoros ang nanalo sa Ecuador nang kanyang pigilin si GM Eugene Torre sa 36 moves ng English Opening sa board one.

Sa kababaihan, nanalo sina Belarusians Nadezhda Azarova at WIM Tatiana Berlin kina WNM Catherine Pereña at WIM Beverly Mendoza sa board one at three habang nakatabla naman si rookie WNM Sherily Cua kay WIM Anna Sharevich sa board two.

ANNA SHAREVICH

BELARUSIANS NADEZHDA AZAROVA

BEVERLY MENDOZA

CARLOS FRANCO MATAMOROS

CATHERINE PERE

COLLE SYSTEM OPENING

DANIEL MIELES

DAVAO CITY

DAWIN LAYLO

ENGLISH OPENING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with