^

PSN Palaro

Pinay yuko sa Kazakhs

-
Hindi na napigilan pa ng mga Filipina belles na masibak sa torneo. 

Ito ay matapos ilista ng Kazakhstan ang 25-20; 25-17; 25-17 pananaig sa Philippine Team sa 2006 Asian Women’s Club Volleyball Championships kahapon sa Rizal Memo-rial Coliseum. 

Nalasap ng RP Team ang kanilang pangatlong dikit na kabiguan na nag-bagsak sa kanila sa 1-3 kartada, habang inihataw naman ng mga Kazakhs ang kanilang ikalawang sunod na pagragasa.

 "Alam naman ng mga players na learning expe-rience ito para sa kanila. So hindi na rin naman sila nag-e-expect na makaka-akyat pa kami," sabi ni mentor Constante Reyes. "Step by step naman nararating na namin ‘yung gusto naming marating." 

Humataw si Xeniya Imangaliyeva ng 10 pun-tos para sa Kazakhstan kasunod ang tig-9 nina Natalya Rykova at Olga Grushko, tumipa ng 2 at 3 blocks, ayon sa pagkaka-sunod. 

Ayon kay coach Vya-cheslav Shapran, kaila-ngan nilang makakuha ng maraming panalo para umabante sa susunod na round. 

"We need to win as many games as we could to advance to the next round," wika ni Shapran. "Like the Philippine Team, we are also adjusting to the level of play."

 Bago harapin ang mga Filipina belles, nang-galing muna ang mga Kazakhs sa 25-20; 25-22; 26-24, panalo sa mga Japanese noong Huwe-bes. (Russell Cadayona) 

vuukle comment

ASIAN WOMEN

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIPS

CONSTANTE REYES

FILIPINA

KAZAKHS

KAZAKHSTAN

LIKE THE PHILIPPINE TEAM

NATALYA RYKOVA

OLGA GRUSHKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with