^

PSN Palaro

Panalo kailangan ng Tigers

-
Hindi na kailangan pang pahabain ng Coca-Cola ang kanilang daan patungo sa quarterfinals ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.

Ang kailangan lamang nilang gawin ay ipanalo ang huling asignatura ngayon sa pagtatapos ng classification round.

Haharapin ng Tigers ang Talk N Text sa alas-4:40 ng hapon kasunod ang walang nang ‘bear-ing’ na sagupaan ng Red Bull at Barangay Ginebra sa alas-7:35 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Iisang awtomatikong quarterfinal slot na lamang ang natitira at kalaban ng Coke dito ang Air21 na nakakasiguro na ng play-off makaraang magtapos na may 7-9 record sa likod ng 7-8 kartada ng Coca-Cola.

Kung magtatagumpay ang Tigers, sasamahan nitong didiretso sa quar-terfinal round ang Red Bull (9-6) at Alaska (9-7) na pareho nang nakasiguro ng slots.

Ngunit kung hindi sila papalarin, suwerte naman ito ng Alaska dahil magka-karoon sila ng tsansa sa automatic quarterfinals berth bunga ng play-off para basagin ang pagta-tabla ng Coke at Express sa 7-9 record. (CVOchoa)

ANTIPOLO CITY

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

GRAN MATADOR BRANDY

HAHARAPIN

IISANG

PHILIPPINE CUP

RED BULL

TALK N TEXT

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with