Harbour Centre sa semis

Humataw agad ang Harbour Centre sa simula ng labanan at pinanga-lagaan ang naipundar na kalamangan upang siba-kin ang Granny Goose Tortillos sa pamamagitan ng 73-60 panalo na nag-kaloob sa kanila ng huling semifinal slot sa 2006 PBL Unity Cup sa kanilang do-or-die game sa Olivarez College Sports Center kahapon.

Bunga nito ay nakuha ng Port Masters ang karapatang hamunin ang No. 2 team na Montaña Pawnshop sa best-of-five series sa pagbubukas ng semifinal round bukas din.

Nagtulung-tulong ang matitinik na point guards ng Harbour Centre na sina L.A. Tenorio, Joseph Yeo at Chico Lanete para kumumpleto ng dalawang panalong kailangan para sibakin ang Snack-masters na nakakuha ng twice-to-beat advantage.

Sa isa pang best-of-five semis series,  magsa-sagupa naman ang Toyo-ta Otis at defending cham-pion Rain Or Shine. (CVO)

Show comments