^

PSN Palaro

Pinay belles yuko sa Taiwanese

-
Matapos ang sandali ng tagumpay, isang kabi-guan naman ang natik-man ng Philippine Team. 

Humataw sina Chen Mei Ching at Lin Ching ng tig-9 puntos para tulungan ang Chinese-Taipei sa 25-18; 25-13; 25-15 paggupo sa RP Team sa 2006 Asian Women’s Club Volleyball Championships kahapon sa Rizal Memorial Coli-seum. 

May 2-0 kartada nga-yon ang Chinese-Taipei, kinabibilangan ng mga high school at college students, sa naturang torneo na pinagreynahan ng China noong 2005, samantalang may 1-1 baraha naman ang RP Team. 

"Nararamdaman pa rin ng mga players ‘yung pressure sa kanila na manalo kahit na malala-kas ‘yung kalaban," sabi ni Reyes sa mga Filipina cagebelles.

Sa pangalawang la-ban, sinungkit ng nagde-depensang China ang kanilang 2-0 marka mata-pos biguin ang Indonesia via straight sets, 25-13; 25-13; 25-13. 

Sa kanilang laban sa mga Taiwanese, naitabla ng mga Filipina belles ang laro sa 6-6 sa third set buhat sa spike ni Cherry Rose Macatangay. 

Subalit kaagad na bumangon ang Chinese-Taipei upang angkinin ang sumunod na walong laro, tampok rtio ang dalawang service winner ni Tsai Yin Feng, para iposte ang kanilang 14-6 lamang kontra sa RP Team. (Russell Cadayona) 

vuukle comment

ASIAN WOMEN

CHEN MEI CHING

CHERRY ROSE MACATANGAY

CHINESE-TAIPEI

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIPS

FILIPINA

LIN CHING

PHILIPPINE TEAM

RIZAL MEMORIAL COLI

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with