^

PSN Palaro

Magkapatid na Asuncion lusot sa tambalan ng Hapones

- Carmela Ochoa -
Pinawi ng magkapatid na Kennevic at Kennie Asuncion ang pagkadis-maya ng mga local fans sa pagkatalo ng mga Pinoy sa unang dalawang matches matapos ang impresibong tagumpay sa kanilang unang match sa mixed doubles ng kauna-unahang $120,000 Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Champion-ships na ginaganap sa PhilSports Arena sa Pasig.

Bagamat naging ma-gaan ang panalo sa unang set at maagang nakaabante sa ikalawang frame, sinayang ng Asun-cion siblings ang apat na match points bago mai-selyo ang 21-13, 21-19 panalo laban kina Jun-takemura at Yasuyo Ima-beppu upang makausad sa quarterfinal round.

Laking pasasalamat ng dalawa sa crowd na nag-cheer sa bawat pun-tos at nagbigay sa kanila ng lakas nang magbanta ang mga Hapones na dalhin ang laro sa deciding set makaraang makaba-ngon mula sa 15-20 deficit nang ipagkait nila ang apat na match points bago nakumpleto ng Asuncions ang tagumpay sa pama-magitan ng crosscourt slice ni Kennevic.

Susunod na makaka-laban ng mga Asuncion ang mga pares mula sa Indonesia na sina Puri Setyo at Lili Wang na nag-tala ng 21-15, 18-21, 21-17 panalo laban kina Nattapon Naktong at Duang-Anong Arunke-sorn ng Thailand.

Ang panalong ito ay pambawi sa nalasap na kabiguan ni Kennevic sa mens singles gayundin ni Jaime Junio.

Dahil kulang sa kara-nasan sa singles mat-ches, nahirapan si Kenne-vic sa fifth seed na si Yan Kit Chan ng Hong Kong, 21-18, 21-15.

Tuluyan nang naubos ang mga pambatong Pinoy sa men’s singles sa torneong ito na suportado ng The Philippine Star, matapos masibak si Junio kay Arvind Bhat ng India, 21-16, 21-13.

Samantala, matapos maka-bye sa unang round, nakausad sa round-of-16 sina top seed Hashim Roslin ng Malay-sia at No. 2 pick Wei Ng ng Hong Kong, matapos sibakin sina Agus Hari-yanto ng Hong Kong, 21-9, 18-21 at 21-15 at Wei Ng ng Hong Kong, 21-14, 16-21, 21-7 ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

AGUS HARI

ARVIND BHAT

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPION

DUANG-ANONG ARUNKE

HASHIM ROSLIN

HONG KONG

JAIME JUNIO

KENNEVIC

KENNIE ASUNCION

WEI NG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with