^

PSN Palaro

Positibo ka ba?

GAME NA! - Bill Velasco -
Bakit ba nagkakagulo sa sports? Madali lang ang sagot diyan. Lahat ng nasasangkot sa gulo, gusto lang manalo, kahit papaano.

 Sa huling limang taon sa Amerika, ang pagdidiin sa pagpapanalo sa organisadong sports ay naging dahilan para lisanin ng mga bata ang sports bago pa man sila umabot sa 12 taong gulang. Tunay ngang napakarami nang kaso ng mga magulang na nakikipag-away sa mga coach at opisyal ng sari-saring torneo, at binibintangan ang mga kinauukulan sa masamang laro ng kanilang anak. Kaya daanlibo na ang umaayaw sa sports sa mga kabataan.

 Ayon sa Michigan State University Institute for the Study of Youth Sports, ang mga batang lumalahok sa sports ay mas matataas ang grado, mas mahusay makipagkapwa-tao, at lumalaking mas malusog. Subalit, kung wala silang nararanasan kundi panlalait at pang-aapi, hindi nangyayari ito.

 Noong 1998, nilikha ang Positive Coaching Alliance, isang non-profit organization sa Stanford Univer-sity. Ayon sa PCA, mahalaga nga ang manalo sa sports, subalit may pangalawa at mas mahalagang pakay ito: ang maturuan ang mga kabataan ng mga aral tungkol sa buhay. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng tinatawag na "positive coaching". Ayon sa PCA, "when adults involved with young athletes play their appropriate roles, youth sports becomes a beautiful experience, in which young athletes… learn lessons that will last a lifetime."

Upang matamo ito, nagsagawa na ng lagpas 200,000 workshop para sa mga youth sports leader at coach, at nakipag-ugnayan na sa mahigit 400 youth organization sa US.

 "Whether affecting team sports or individual, urban or rural, boys or girls, these coaches and organizations are producing an outstanding youth sports culture," sabi ni PCA founder at executive director Jim Thompson sa kanilang annual awards night noong March 24. "Although we gather to honor them, they honor all of us with their efforts every day."

 Marami nang bigating pumanig sa PCA. Ang kanilang National Advisory Board ay binubuo nila New York Knicks head coach Larry Brown, dating senador at New York Knick Bill Bradley, NFL Hall of Fame member Ronnie Lott, Olympic swimming gold medallist Summer Sanders, retired University of North Carolina men's basketball coach Dean Smith, Cy Young awardee Barry Zito ng Oakland A’s, at Kansas City Chiefs Head Coach Herm Edwards.

 Sa buong taon, nagsasagawa ng mga clinic ang PCA para sa mga "Double-Goal Coaches," mga coach na di lamang gustong manalo, kundi gusto ring makapamigay ng mahahalagang "life lessons" sa mga kaba-taan. Ginagamit nila ang mga pinakabagong tech-nique, research-based strategies at tools sa sports psycho-logy at positive coaching. Sa katunayan, sa maraming kumpetisyong pinamamahalaan ng PCA, pati mga magulang ay pumapasok sa isang kasunduan. Kung manggugulo sila, hindi sila papayagang manood ng laro ng kanilang mga anak. Ika nga, ang pakay ng PCA ay "Transforming youth sports so that sports can transform youth."

 Sa kanilang 2006 awards night, naging bahagi ng programa ang mga Olympic gold medallists gaya nila Jennifer Azzi, Ruthie Bolton, Joy Fawcett, Anne Cribbs at John Naber; at Stanford director of tennis Dick Gould, at master of ceremonies na si Tom Farrey ng ESPN the Magazine.

 Dalawin lang ang kanilang website, at alamin kung paano maging positibong impluwensya sa mga kabataan.

ANNE CRIBBS

AYON

BARRY ZITO

CY YOUNG

DEAN SMITH

DICK GOULD

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with