^

PSN Palaro

$120,000 RP Open Badminton hahataw

-
Limang araw na world-class competition ang masasaksihan ng mga Pinoy fans sa pag-hataw ng may 200 bad-minton players mula sa 17 bansa na pumupuntirya ng karangalan at ranking points sa pagsisimula ng $120,000 first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Champion-ships na presinta ng PLDT Business Solutions sa PhilSports Arena.

Isa ang world No. 4 na si Xu Huaiwe ang inaasa-hang player to beat sa ladies singles na inaasa-hang ilalabas ng nag-iisang German bet ang kanyang matikas na porma na nagbigay sa kanya ng Swiss Open crown noong nakaraang Enero at ng European Championship noong nakaraang buwan laban sa iba pang mahuhusay na manlalaro sa field.

Kabilang sa iba pang makikipagtagisan ng lakas para sa karangalan ay ang apat na world’s top 20 players sa men’s singles na binubuo nina No. 11 Hafiz Hashim ng Malaysia, No. 13 Wei Ng ng Hong Kong, No. 14 Beng Hong Kuan ng Malaysia at No. 19 Boon-sak Ponsana ng Thailand na magpapasigla sa mga manonood para sa top purse na $9,600. Ang pag-atras ng powerhouse China at Korea na nagbi-gay daan para sa kani-kanilang national opens, ay nagbigay ng daan para sa top honors sa iba’t ibang division sa event na ito na kauna-unahang four-star tournament na gaganapin sa bansa.

Ipaparada ng Philip-pines ang malakas na koponan sa nasabing event na itinataguyod ng Bingo Bonanza at JVC (PHILS.), Inc. na kinabi-bilangan ng world No. 69 na magkapatid na Ken-nevic at Kennie Asuncion na inaasahang ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para biguin ang kampanya ng matikas na Thai pairs na sina Prapa-kamol-Thougthongkam at Songphon Anukritaya-won-Voravichitchaikul na nakalista ngayon bilang Nos. 11 at 12, ayon sa pagkakasunod sa mundo sa mixed doubles. Naka-lista naman si Kennevic bilang No. 231st sa mundo, na siya ring ba-bandera sa RP team’s 13-man roster sa men’s singles kasama sina Wally Fernandez, Arolas Amahit Jr., Jaime Junio, Kelvin Ang, Christopher Flores, Wilson Frias, Ben Jonas Garcia, Marlon Villarin, Rodel Bartolome at Alfredo Mailon na mapa-palaban para sa world ranking points.

Bukod sa Philippines, ang iba pang bansang magpapakita ng aksiyon sa event na ito na supor-tado rin ng Jam 88.3, 99.5 RT, Magic 89.9, 103.5 K-Lite, Wave 89.1, Snickers, Toby’s Sports, The STAR, Badminton Asia, Inquirer Badminton, Fossil Wat-ches, Bacchus Energy Drink, Accel, Yonex Sun-rise, Crowne Plaza, ang official hotel at Solar Sports, ang official TV partner ay ang Finland, Canada, Germany, Ja-pan, Vietnam, Italy, Eng-land, Thailand, Amerika, Malaysia, Indonesia, India, Macau, Hong Kong, Denmark at Singapore. (CVOchoa)

ALFREDO MAILON

AROLAS AMAHIT JR.

BADMINTON ASIA

BEN JONAS GARCIA

BENG HONG KUAN

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPION

BUSINESS SOLUTIONS

CHRISTOPHER FLORES

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with