^

PSN Palaro

Pinoy chessers maganda ang panimula

-
Maningning na binuksan ng Philippines ang kanilang kampanya nang talunin ang No. 107 seed Mauritius, isang maliit na island sa Indian Ocean, 4-0 sa pagsisimula ng 37th World Chess Olympiad sa Tuyrin, Italy.

Unang trinangkuhan ng 35th seed Filipinos ang panalo ng mamayani si GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr., sa board 1 laban kay Roy Philips.

Ang panalong ito ng Pinoy chessers ay sinundan ng tagumpay nina NM Darwin Laylo sa board 2 laban kay Patrick Li Ying; FM Oliver Dimakiling na nakalusot sa kalabang si Deevarajan Chinnasamy sa board 3 at ang 12-anyos na FM na si Wesley So na humiya kay Patrick Marie sa board 4.

Hindi muna sumabak sa pigaan ng utak ang top two players ng bansa na sina GMs Mark Paragua at Eugene Torre sa opening round upang mai-preserba ang kanilang enerhiya sa mahigpitang rounds sa hinaharap.

Nakatakdang harapin ng Nationals ang 63th seed na Luxembourg sa second round ngayong alas-9 ng gabi na babanderahan naman nina GM Alberto David na nanalo sa Mozambigue, isang nasyon sa Africa.

ALBERTO DAVID

ANTONIO JR.

DARWIN LAYLO

DEEVARAJAN CHINNASAMY

EUGENE TORRE

INDIAN OCEAN

MARK PARAGUA

OLIVER DIMAKILING

PATRICK LI YING

PATRICK MARIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with