^

PSN Palaro

Huling semis slot habol ng Lyceum sa V-League

-
Hangad ng Lyceum na kumpletuhin ang kanilang pagbangon mula sa ilalim sa kanilang tangkang pagpasok sa semifinal round ng V-League na hatid ng Shakey’s Pizza.

Tangka ng Lyceum ang ikalima at huling semifinals berth sa pakikipagharap sa Ateneo sa Blue Eagle gym ngayon.

Nakasiguro ang Lady Pirates ng playoff para sa huling semis slot sa double-round elims sa pamamagitan ng 28-26, 14-25, 25-18, 25-14 panalo laban sa Philippine Christian University Lady Dol-phins noong Sabado na kani-lang ikatlong panalo sa anim na pakikipaglaban.

Ang panalo laban sa Ateneo Lady Eagles na sibak na sa semis race dahil sa kanilang 1-5 (win-loss) slate, sa alas-4:00 ng hapong laban ay magseselyo ng pagsulong ng Intramuros-based spikers sa susunod na round na magsisi-mula sa June 3 sa Ateneo Gym din kung saan ang ring-side tickets ay P50 at ang upper box ay P30.

Nakubra na ng three-peat seeking at UAAP champion De La Salle (6-0), Adamson (5-1), Far Eastern U (4-3) at reigning NCAA titlist San Sebastian College (4-3) ang unang apat na semis slots sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision at sinuportahan ng Accel, Mikasa, ABC-5 at ABC Sports.

Ang kabiguan ng Lyceum ay magbubunga ng knockout match para sa huling semis berth laban sa Philippine Christian U na nagtapos sa eliminations na may 3-4 karta na nakatakda sa May 29 sa Blue Eagle Gym din.

Samantala, magsasagupa naman ang mga pacesetters na La Salle at Adamson sa alas-6:00 ng gabi na inaasahang magiging preview ng cham-pionships.

ADAMSON

ATENEO GYM

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLE

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE

FAR EASTERN U

LA SALLE

LADY PIRATES

PHILIPPINE CHRISTIAN U

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with