PANGARAP SA TABING DAGAT
May 21, 2006 | 12:00am
Natapos agad ang tag-init at halos di pa nating ganap na nalalasap ito, lalo na sa mga tulad nating nagtratrabaho kahit na bakasyon ang karamihan.
Subalit, para sa isang maliit na grupo ng mga Pinoy, walang humpay ang summer, dahil dito nabubuo ang kanilang pangarap.
Halos sampung taon na ang lumilipas nang mangarap si Coach Mike Athab ng malaki para sa isang bagong sport.
Isang football coach na lumaki sa Iraq at ngayoy malaking bahagi ng Philippine sports, nakita ni Coach Mike ang malaking potensyal ng beach football.
Naglaro sila sa init, sa ulan, at kahit saan puwedeng makahanap ng buhangin, para lang mapansin.
"It was so hard to find sponsors in the beginning, because we were still new," sabi ni Athab, na lumipat sa Pilipinas upang subukan ang negosyo rito. "But, like I kept telling people, one day, we will make it. You just wait. The time will come."
Matapos ang isang dekada ng tiyaga, magkakatutoo na ang panaginip ni Athab.
Noong Biyernes, tumulak papuntang Dubai, United Arab Emirates ang Philippine team na lalahok sa FIFA World Cup Beach Soccer Asia Qualifying round sa Jumeirah Park mula May 22 to 26.
May limang iba pang bansang lahok: top seed na Japan, pangalawang UAE, China, Iran at Bahrain.
Sa bunutang ginawa sa headquarters ng Beach Soccer Worldwide sa Barcelona, Spain, ang United Arab Emirates, Bahrain at China ay nilagay sa Group A, habang ang Pilipinas ay makakasama ang Japan at Iran sa Group B.
Tatlo sa anim ang masasali sa 16 na makakapasok sa World Cup na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil mula November 2 hanggang 12.
"I used to tell you about our dream of playing internationally," sinabi ni Athab sa PSN sa isang e-mail. "Finally, it came true. And this will only be the start of a continuing journey to develop beach football here in our country. I would also like to take this opportunity to thank you for your endless support to me and this sport."
Ang Philippine team ay binubuo ng 12 player, karaniwan mula sa Philippine Air Force. Kinakailangan nilang magtapos sa likod ng Japan at UAE upang pumasa sa World Cup, na gagawin sa makasaysayang Copacabana Beach sa Rio de Janeiro.
Ang torneo ay isang round-robin ng mga magkagrupo.
Makakaharap natin ang Japan sa May 22. Matapos ang isang araw na pahinga, Kailangan nating talunin ang Iran. Ang crossover semifinals ay gaganapin sa May 25, at ang kampeonato sa May 26.
Nilikha ng mga Brazilian ang beach soccer ilang dekada na ang nakalilipas.
Ito ay pormal na nabuo noong 1987 ng isang grupo ng mga pormal na naglalaro sa Copacabana beach. Noong 1990s, naging mas popular ito nang pasukin ng mga retiradong soccer stars ng Brazil. Pagkaraan ng ilang taon, binuo ng Octagon Koch Tavares / IBSA ang mga mahuhusay na koponan at bumuo ng isang liga. Kinuha ito ng malakit maimpluwensyang network na TV Globo, at ginanap ang unang Mundialito (isang unofficial world championship) noong 1994.
Sana, sa susunod na linggo, madagdag ang pangalan ng mga Pinoy sa makulay na kasaysayan ng isa sa pinakamalaking professional sport sa buong mundo.
Ang injured na Purefoods Chunkee Giant na si Eugene Tejada ay tampok sa programang The Basketball Show ngayong araw, ganap na 2 p.m. sa RPN 9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended