^

PSN Palaro

Mangangagat pa ang Tigers

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Nabigo man ang Coca-Cola na makakuha ng automatic semifinals berth sa Gran Matador-PBA Philippine Cup, pupuntiryahin na lang ng Tigers ang makapasok kaagad sa quarterfinal round. At maganda ang kanilang tsansang ma-accomplish ang misyong ito lalo’t napatid na nga nila ang five-game losing streak matapos na maungusan ang Barangay Ginebra, 99-88 noong Miyerkules. Maganda ang naging panimula ng Tigers sa torneo dahil sa nagwagi kaagad sila sa unang apat na games at nag-poste ng 6-2 record bago nagkaroon ng break para bigyang daan ang pagsasagawa ng All-Star Game.           

Katunayan, dahil sa pamamayagpag ng Tigers ay naka-mit ni Binky Favis ang head coaching job para sa North Selection. Siya ay naging ikalawang rookie coach sa PBA na nakahawak ng koponan sa All-Star Game. Malaking achievement na rin iyon.           

Pero bigla ngang sumadsad ang Tigers.           

Marami ang nagsabing ang pagkakaroon ng minor injury ni Ali Peek ang siyang naging dahilan ng sunud-sunod na pagkatalo ng Tigers. Kasi nga, kahit paano’y bumaba rin ang mga numero ni Peek bagamat siya pa rin ang leading scorer ng kanyang koponan sa average na 15.79 puntos bukod pa sa  9.57 rebounds, 1.43 assists, 0.5 steal, 2.07 blocked shot at 3.29 errors sa 34.93 minuto.           

Pero siyempre, hindi lang naman si Peek ang dapat na magninging. Dapat, pati ang ibang Tigers ay magtala din ng magandang performance.           

Kahit si Favis ay medyo naguguluhan kung bakit sila napagtatalo. Hindi naman mga major players nila ang nasa injured list. Sina Gilvert Lao at Ato Morano na mga role players ang siyang hindi nakapaglalaro so healthy ang mga manlalarong alagang inaasahan ng Coca-Cola.           

Marahil, consistency ang problema ng Coca-Cola. Oo’t nakapag-aambag ng magagandang numero sina John Arigo at William Antonio pero hindi palagiang nangyayari ito, e.           

Matindi ang naging panimula ni Arigo dahil sa kumama-da siya ng 29 puntos kontra Air21 sa opening game pero matapos iyon ay nangapa na siya. Kadalasan ay nawawala ang focus niya sa laro at panay pa ang reklamo sa refe-rees.           

Si Antonio naman ay minsang matindi sa shooting at katunayan siya ang three-point king. Pero sa sumunod na game, sa rebounding naman siya nagpapakitang gilas at nakapagtala ng career high sa department na ito. Kung magsasabay lang ang husay niya sa dalawang magkahi-walay na department at mapapanatili niya ito sa bawat game, aba’y baka Most Improved Player ang mapanalunan niya sa pagtatapos ng season.           

Kaya naman siguro sinabi ni Favis na sa kasalukuyan ay kulang siya ng outside shooter. Ito marahil ng dahilan kung bakit ginamit niya sa second quarter si Gerard Fran-cisco na dati-rati’y sa endgame na lang ipinapasok kapag malaki ang lamang ng Tigers o tinambakan na sila ng kalaban.           

Sa tutoo lang, mapapakinabangan naman talaga ng Tigers si Francisco kung mabibigyan lang ito ng sapat na playing time. Bukod sa puwedeng pumuntos, kumukuha din ito ng rebounds at dumedepensa pa ng maayos. Katu-nayan, kahit sa mga imports ay pinadedepensa ito noong naglalaro pa sa Sta. Lucia Realty.           

Marahil nga ay kailangang gamitin na nang husto ni Favis ang buo niyang bench bilang paghahanda sa quarterfinals. Mabuti na rin yung sa crucial na stage ng torneo ay marami siyang sandata!  
* * *
ADVANCE happy birthday kay V-League commissioner Tonyboy Liao na magdiriwang ng kanyang ika-50 kaarawan sa Mayo 25. Belated birthday greetings naman kay Kristine Rocamora ng ABC Sports na nagdiwang noong Mayo 17.

ALI PEEK

ALL-STAR GAME

ATO MORANO

BARANGAY GINEBRA

BINKY FAVIS

COCA-COLA

PERO

TIGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with