Inilabas ni Alcantara, tubong Malaybalay, Bukidnon ang kanyang matikas na porma upang talunin ang world juniors No. 112 na si Vishwesh Sinha ng India, 6-1, 6-3 sa single final at nakipagtambal sa Malaysian na si Juan Los Santos upang kunin ang doubles title laban sa third seeds pair na sina Sai Teja Paladagu at Sinha, 6-3, 6-4.
Umusad sina Paladagu at Sinha sa final matapos ang 7-5, 4-6, 6-1 tagumpay laban sa second seed duo na sina Arvind Fernando at Iridika Wettasinghe ng Sri Lanka.
"Im happy to win again. I think that Im in my best form right now," wika ng 14-year-old na si Alcantara, isang high school sophomore sa Xavier University sa Cagayan de Oro City. Noong nakaraang linggo, siya ay nagwagi ng singles at doubles titles.