^

PSN Palaro

Mainit ang karera sa makulimlim na panahon

- Ni Carmela V. Ochoa -
LUCENA City -- Maku-limlim man ang panahon sa kabuuan ng Stage 5, Marikina-Lucena ng 2006 Padyak Pinoy edition ng Tour Pilipinas naging mainit naman ang karera.

Nagkaroon ng ten-siyon sa pagitan ng mga siklista na nag-angilan sa kalagitnaan ng karera na pinangunahan ni Rein-hard Gorrantes ng Go21 team bagamat nanatili pa ring overall leader si Air21 team captain Santy Bar-nachea kahit nakagirian niya ang kanyang kina-bilangang grupo.

Habang nagkakainitan sa 8-man lead pack na sina Frederick Feliciano ng Air21 at ng defending champion na si Warren Davadilla ng Mail & More, nakapuslit si Gorrantes upang angkinin ang 144.5 kilometrong karera sa loob ng tatlong oras, 30-minuto at 21 segundo.

Nagkaroon ng sagu-tan sina Feliciano at Dava-dilla dahil sa pagdadala ng trangko.

Nagkasya bilang stage runner-up ang nagta-tanggol ng koronang si Davadilla kasunod si Feliciano bilang third place ngunit malaking oras ang nabawas nito sa kanyang time-difference sa overall na si Santy Barnachea na naipit sa main peloton.

"Naipit ako sa unang ahon, paglusong, lalo nang lumayo yung break-away takot ako sa lusong," pahayag ng 2002 Tour of Calabarzon Champion na si Barnachea na tubong Umingan, Pangasinan, na siyang ikalawang sunod na araw na overall leader sa 8-day-race na ito na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions, Inc., pinangangasiwaan ng Philippine National Cyc-ling Association ni Paquito Rivas at Sanctioned ng PhilCycling."

Mga kasama ko sa grupo puro mga rookie. Ang babata pa, magu-gulang na."

Mula sa mahigit pitong minutong distansiya, si Feliciano ay mayroon na lamang 4:01 minutong agwat kay Barnachea na may kabuuang oras na 21-oras, 31 minuto at 35-segundo habang may 7:29 minuto pa rin itong layo kay Ericson Obosa na bumagsak naman sa third place mula sa ikala-wang posisyon patungo sa huling tatlong araw ng karerang ito na hatid ng Tanduay at Wow Magic Sing.

"Plano ko na talagang umatake ngayon kasi gusto kong makadikit kay Barnachea," pahayag ni Feliciano na siyang umangkin ng mapang-hamong San Fernando City-Baguio City Stage 3.

Kung naging mainit ang pagdedepensa ni Barnachea ng yellow jer-sey kahapon, kinakaila-ngan na niyang kumayod ngayon lalo pa’t nagba-banta na si Feliciano 3:47 minutong distansiya sa lead group na naunang nakatapos ng karera.

Ang Stage 1 winner namang si Obosa ng Inca ang namumuno sa Sprint King race sa kanyang 12 puntos kasu-nod sina John  Ricafort at Harvey Sicam na may 5 at 4-points ayon sa pag-kakasunod.     

ANG STAGE

BARNACHEA

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS

ERICSON OBOSA

FELICIANO

FREDERICK FELICIANO

GORRANTES

HARVEY SICAM

NAGKAROON

PADYAK PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with