Ito ay matapos umis-kor ng magkahiwalay na panalo ang Granny Goose at Magnolia Dairy Ice Cream upang buksan sa iba pang koponan ang dalawang automatic semi-finals berth ng torneo.
Tinalo ng Snack-masters ang Harbour Centre Portmasters, 85-78, samantalang tinaka-san naman ng Spinners ang Hapee-PCU Teeth-masters, 64-62, sa se-cond round kahapon sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.
Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Granny Goose ng 7-6 kartada sa ilalim ng Montaña Pawn-shop (9-3), Toyota Otis (9-4) at nagdedepensang Rain Or Shine (7-5) at kasunod ang Magnolia (6-6), Harbour Centre (5-7), TeleTech (4-9) at Hapee-PCU (3-10).
Matapos ang elimina-tion round, dalawang tro-pa lamang ang makaka-kuha ng outright semis ticket, habang ang apat naman ay maglalaban sa quarterfinals at ang mati-tirang dalawa ay tuluyan nang masisibak.
Hindi inalintana ng Snackmasters ang itinayong 12-point lead ng Portmasters, napigil ang three-game winning run, matapos kunin ang 76-70 abante sa huling 2:19 ng fourth quarter mula kina JR Quiñahan at Kelvin Dela Peña mula sa kanilang 39-51 pagkaka-iwan sa third period.
Sa likod nina Rico Maierhofer, LA Tenorio at Chico Lanete, naidikit ng Harbour Centre ang laro sa 78-80 sa nalalabing 50.6 segundo bago ang drive ni Dela Peña para sa 82-78 abante ng Granny Goose, 27.6 tikada rito. (Russell Cadayona)