^

PSN Palaro

Granny Goose, Magnolia nalo

-
 Magiging kapana-panabik ang magiging huling apat na playing days ng 2006 PBL Unity Cup. 

Ito ay matapos umis-kor ng magkahiwalay na panalo ang Granny Goose at Magnolia Dairy Ice Cream upang buksan sa iba pang koponan ang dalawang automatic semi-finals berth ng torneo. 

Tinalo ng Snack-masters ang Harbour Centre Portmasters, 85-78, samantalang tinaka-san naman ng Spinners ang Hapee-PCU Teeth-masters, 64-62, sa se-cond round kahapon sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque. 

Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Granny Goose ng 7-6 kartada sa ilalim ng Montaña Pawn-shop (9-3), Toyota Otis (9-4) at nagdedepensang Rain Or Shine (7-5) at kasunod ang Magnolia (6-6), Harbour Centre (5-7), TeleTech (4-9) at Hapee-PCU (3-10). 

Matapos ang elimina-tion round, dalawang tro-pa lamang ang makaka-kuha ng outright semis ticket, habang ang apat naman ay maglalaban sa quarterfinals at ang mati-tirang dalawa ay tuluyan nang masisibak. 

Hindi inalintana ng Snackmasters ang itinayong 12-point lead ng Portmasters, napigil ang three-game winning run, matapos kunin ang 76-70 abante sa huling 2:19 ng fourth quarter mula kina JR Quiñahan at Kelvin Dela Peña mula sa kanilang 39-51 pagkaka-iwan sa third period. 

Sa likod nina Rico Maierhofer, LA Tenorio at Chico Lanete, naidikit ng Harbour Centre ang laro sa 78-80 sa nalalabing 50.6 segundo bago ang drive ni Dela Peña para sa 82-78 abante ng Granny Goose, 27.6 tikada rito. (Russell Cadayona)

CHICO LANETE

DELA PE

GRANNY GOOSE

HAPEE

HARBOUR CENTRE

HARBOUR CENTRE PORTMASTERS

KELVIN DELA PE

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with