^

PSN Palaro

Feliciano sa Baguio lap; Barnachea sa overall

- Carmela Ochoa -
BAGUIO City -- Gamit ang kanyang karanasan bilang mountain biker sa national team at ang inspirasyong mahan-dugan ng isang munting regalo ang kan-yang ina sa araw ng mga ina, inang-kin ni Frederick Feliciano ng team Air21 ang mapanghamong San Fernando City-Baguio City Stage 3 ng 2006 Padyak Pinoy Tour Pilipinas na hatid ng Tan-duay at Wow Magic Sing, kahapon kung saan naagaw ni Santy Barna-chea ng team Sunbolt ang overall leadership.

Tinapos ni Feliciano ang 163-kilometrong karera na umahon ng Naguillan Road, bumaba via Marcos Highway bago umakyat uli sa Kennon Road, sa loob ng 5-oras, 19-minuto at 36-secgundo para sa kanyang ikali-mang stage win sapul nang sumali ng Tour noong 2002.

"Malaking natutulong ang experience namin sa national team. Sa lakas pare-pareho na lang, stra-tegy na lang," wika ni Feliciano na nag-alay ng kanyang panalo sa inang si Ze-naida.

Naghabol sa lusong si Feliciano, silver medalist sa Manila Southeast Asian Games noong nakaraang taon, kung saan inabot nito sina Barnachea at kasama-han nitong si John Ricafort at hindi na bumitaw pa sa trangko bago nito naiwanan ang 2002 Tour of Calabarzon champion na si Barnachea sa huling kilometro ng karera papasok sa finish line sa Burnham Park.

Kahit nakaalpas kay Bar-nachea ang stage at nag-kasya lamang bilang runner-up matapos tawirin ang finish line na may 47-segundo dis-tansiya kay Feliciano dahil sa matinding pamumulikat dulot ng malamig na klima na may kasamang ulan at hangin, kapalit nito ay ang yellow jersey na naagaw nito mula kay Ericson Obosa ng team Inca na siya namang ikatlong tumawid ng finish line makalipas ang 1:20 minuto.

Bagamat nahubaran ng yellow jersey, hindi naman naiwanan ng husto si Obosa na may 27-segundo lamang na distansiya sa bagong overall leader na si Barna-chea na may kabuuang oras na 12-oras, 45-minuto at 24 segundo, 56 segundo la-mang ang layo sa third place overall na ngayong si Feli-ciano.

vuukle comment

BARNACHEA

BURNHAM PARK

ERICSON OBOSA

FELICIANO

FREDERICK FELICIANO

JOHN RICAFORT

KENNON ROAD

MANILA SOUTHEAST ASIAN GAMES

MARCOS HIGHWAY

NAGUILLAN ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with