^

PSN Palaro

Outright semis asam ng Purefoods

-
Tangka ng Purefoods Chunkee na makasiguro ng outright semifinals berth sa pakikipagharap sa Batang Red Bull sa pagpapatuloy ng aksiyon ng Gran Matador PBA Philippine Cup na dadako sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ikaanim na sunod na panalo ang puntirya ng Giants sa alas-6:30 ng gabing pakikipagsagupa sa Bulls pagkatapos ng alas-4:10 ng hapong engkwentro ng Alaska at ng kulelat na Sta. Lucia Realty.

Makukuha rin ng Pure-foods ang solong pamu-muno kung magtatagum-pay sila ngayon dahil pahinga ang kanilang kasosyong San Miguel Beer na kapareho nilang may 10-3 karta at nanga-ngailangan na lamang ng isang panalo sa tatlong huling laro para makaku-ha ng outright semis slot na ipagkakaoob sa top two teams pagkatapos ng classification round.

Ikalimang sunod na panalo naman ang ha-ngad ng Red Bull na may 7-6 record sa ikatlong puwesto na sinusundan ng Coca-Cola at defend-ing champion Barangay Ginebra sa 6-6 record.

Hawak naman ng Aces ang 6-7 record at hangad nilang mapalawig ang karta upang maka-iwas sa bottom 4 na da-daan ng wild card phase sa pakikipagharap sa Realtors na may 3-10 record.

Sa kasalukuyan, nag-lalaban pa ang San Miguel Beer at Coca-C ola sa San Fernando, La Union. (CVOchoa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

GRAN MATADOR

LA UNION

LUCIA REALTY

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS CHUNKEE

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with