^

PSN Palaro

Outright semis asam ng Montaña

-
Nang kunin ni Nel Parado ang guro ng Montaña Pawn-shop ngayong kumperensiya, hindi man lamang sumagi sa isipan ng mahusay na coach na sila ay babandera sa stand-ing sa krusiyal na yugto ng eliminations.

Taglay ang 8-2 record, mayroon rin ang Jewels ng pagkakataon na makuha ang unang outright semis berth sa 2006 PBL Unity Cup.

Ngunit bago ito, kailangan muna nilang muling talunin ang Granny Goose Tortillos sa kanilang nakatakdang pagha-harap sa main game sa alas-4 ng hapon matapos ang sagu-paan sa pagitan naman ng TeleTech squad at ng Magnolia Ice Cream sa alas-2 ng hapon.

Matapos na mabigo ng limang sunod na games sa kanila na sila ay nangunguna sa game, nakita na rin ng Titans ang formula kung paano manalo ng kanilang pabagsa-kin naman ang Snackmasters, 76-74 noong huli silang mag-harap.

Tanging ang Snackmasters lamang ang natatanging kopo-nan na ginapi ng Titans sa first round.

At para sa Titans, ang tanging paraan para lamang makasulong sa quarterfinal round ay ang maipanalo nila ang lahat ng nalalabing apat na laro.

Subalit hindi ito magiging madali.

Sa katunayan, iisa ang nasa isipan ng Spinners--ang makabalik mula sa kanilang winning track matapos na dumanas ng magkasunod na pagkatalo. Kailangan rin ng Spinners na maipanalo ang lahat rin ng nalalabing apat na laro para makopo ang isa pang twice-to-beat advantage na siyang ibibigay na prebilehiyo sa quarterfinals.

GRANNY GOOSE TORTILLOS

KAILANGAN

MAGNOLIA ICE CREAM

MATAPOS

MONTA

NANG

NEL PARADO

NGUNIT

SNACKMASTERS

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with