^

PSN Palaro

Rekord sa javelin binura ni Malinao

-
Naga City – Matapos mabigong makapag-uwi ng gintong medalya para sa Region IV-A (Southern Tagalog-CALABARZON) noong nakaraang taon sa Iloilo City, nakuha na rin ni Niña Malinao ang kanyang hangad. 

Ngunit hindi lang ito basta-basta tagumpay para sa 11-anyos na incoming Grade 6 student ng San Pedro Elementary School. 

Binura ni Malinao ang 1998 rekord na 34.94-meters ni Julie Ann Diaz ng Western Visayas para sa kanyang bagong 38.95m sa elementary girls’ javelin throw sa 2006 Palarong Pambansa kahapon dito sa Metro Naga Sports Complex. 

Noong 2005 Palarong Pambansa sa Iloilo City, kabuuang 23 rekord ang nasira kung saan pito rito ay sa athletics at 16 naman sa swimming events. 

 "Halos 31 meter lang po ang ibinabato ko, pero ngayon parang lumakas at parang dinadala talaga ng hangin," sabi ng tubong Mulanay, Quezon na bunso sa apat na magkakapatid. Siguro maganda rin ‘yung palagi kang nagpa-practice para maganda ang ipakita mo."

Kinuha naman nina Maria Flores Batarina ng Region II (Cagayan Valley) at Jamsell May Candelaria ng Region V (Bicol) ang silver at bronze medal mula sa kanilang 34.25m at 33.98m., ayon sa pagkakasunod.

 Sa elementary boys’ long jump, lumundag naman si Richard Maulion ng Region IV-B (MIMAROPA) ng layong 5.79m para angkinin ang ginto kasunod sina Julius Ceasar Andaya (5.62m) ng Region IV-A (Southern Tagalog-CALABARZON) at Paul Angeles (5.57m) ng Region III (Central Luzon) para sa pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasalansan. 

Umabante naman ang nagdedepensang National Capital Region (NCR) sa quarterfinal round ng basketball competition matapos igupo ang Northern Mindanao, 80-62. 

"Actually, hindi pa kami masyadong nakakapag-adjust sa init, but we’re working on it," wika ni coach Allan Ascue ng UST sa NCR cagers na nagpatumba sa STRAA-MIMA-ROPA, 92-64, noong Linggo. 

Sa pagdedetermina naman ng overall champion sa elementary at secondary level, gagamitin ang point system matapos ang nasabing seven-day event. 

Pitong puntos ang ibibigay sa bawat individual event, samantalang 25 naman ang ilalatag para sa mga team events kagaya ng baseball, football, softball at volleyball, ayon kay DepEd Palarong Pambansa Task Force chief Len Toledo. 

Ang National Capital Re-gion ang siyang nagtatanggol sa elementary at secondary division matapos magdomina sa 2005 Iloilo City Palaro. (Russell Cadayona) 

ALLAN ASCUE

ANG NATIONAL CAPITAL RE

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

ILOILO CITY

ILOILO CITY PALARO

JAMSELL MAY CANDELARIA

PALARONG PAMBANSA

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with