KAWAWANG REALTORS

Matapos na talunin ng Sta. Lucia Realty ang Coca-Cola noong Miyerkules ay bahagyang tumaas ang morale ng Realtors at nagsimula na naman silang mangarap na makakaahon sa hukay na kinalalagyan nila.

Kasi nga, kahit na nasa ibaba pa rin sila ng standings sa kartang 3-8, medyo llamado sila kontra sa nagtatanggol na kampeong Barangay Ginebra na siyang susunod nilang kalaban.

Katunayan, sa post-game interview na naganap ay ipinaalala ng mga sportswriters kay Chua na kapos sa tao ang Gin Kings matapos na magpaopera sa paa si Rommel Adducul. At sa puntong iyon ay malaki ang tsansang hindi rin makasama ng Gin Kings ang Most Valuable Player na si Eric Menk na may injury rin at baka magpaopera.

Nauna rito’y hindi na nga nakapaglaro si Andrew Sei-gle sa simula ng Gran Matador-PBA Philippine Cup at pagka-tapos ay nagtamo ng knee injury si Rodney Santos na ma-wawala na rin hanggang sa katapusan ng season.

So, talagang agrabyado ang Barangay Ginebra maglaro man o hindi si Menk!

Pero hindi pa rin na-excite si Chua. Sa halip, tinanong niya ang mga sportswriters ng ganito: "Si coach Siot (Tan-quingcen) ba hindi injured?"

Kasi nga, alam ni Chua na kahit na ilan mang key players ang injured sa Barangay Ginebra, magagawan pa rin ito ng paraan ni Tanquingcen. Kumbaga’y kahit na ilang injured players ang mayroon sa isang koponan, normal na reremed-yuhan ito ng kanilang coach at magsasagawa ng adjust-ments. Hindi naman dahilan ang injuries upang sumuko na lang basta-basta ang isang team.

Hindi nga ba’t ang slogan ng PBA ngayon ay "Laban kung laban!"

Hayun, ang mga kaba ni Chua ay nagkatutoo! Baga-mat lamang na lamang sa tao ang Realtors, dinurog sila ng Barangay Ginebra, 101-84 sa kanilang out-of-town game sa Holy Cross of Davao Gym noong Sabado. Napatid ang three-game losing streak ng Gin Kings at nalaglag pang lalo sa ibaba ang Realtors sa kartang 3-9.

Nagbida para sa Barangay Ginebra si Jayjay Helter-brand na gumawa ng 28 puntos, pitong rebounds at pitong assists. Gumawa siya ng limang three-pointers, ang huli’y upang pigilin ang endgame rally ng Realtors.

Umasenso naman ang laro ni Ervin Sotto na  nagre-histro ng career-high 15 puntos bukod sa limang rebounds. Ito’y sa kabila ng pangyayaring nakatapat niya ang mga beteranong sina Marlou Aquino at Dennis Espino.

Tulala naman ang mga supporters ng Sta. Lucia. Kasi nga’y hilahod na sa tao ang Barangay Ginebra subalit hindi pa rin sila nakalusot dito. Ano ba yan? Aba’y may problema na talaga ang Realtors!

Kung hindi nila kayang talunin ang isang koponang kulang ng apat na superstars, ano pa ang magagawa nila laban sa mga koponang buong-buo ang line-up?

Tila mahirap na remedyuhan ito!
* * *
Belated happy birthday sa pamangkin kong si Mark Zal-divar na nagdiwang noong Sabado, Mayo 6. Congratu-lations sa mga dumalo sa idinaos na reunion ng Felimon Carrillo clan kahapon sa Zaldivar residence sa Bulwang, Numancia, Aklan.

Show comments